577 total views
“Lakipan ng trabaho ang programang pabahay ng pamahalaan.”
Ito ang ipinanawagan ni Sikap Laya Incorporated o (SILAI) lead convenor, Rev. Fr. Pete Montalana kay Vice President Leni Robredo.
Aniya, tiwala ito na mas gaganda ang buhay ng mga maralitang taga – lunsod kung ang relokasyon na ipagkakaloob sa kanila ay malapit sa kanilang pangangailangan at hindi malayo sa siyudad.
Nauna na ring naipangako ng bise presidente bilang sa panunungkulan bilang chairman ng HUDCC o Housing and Urban Development Coordinating Council, isa ito sa kanyang tutugunan ay makapagtayo ng 5.5 million na pabahay sa buong bansa para sa mga mahihirap.
Nauna na ring iminungkahi ng SILAI ang pagkakaroon ng komisyon ng mga urban poor sa Simbahan na tutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap sa lunsod.
“Maganda kaso sana lakipan ng malapit sa trabaho. Otherwise useless lang naman yan. Yung ginawa kasi ng gobyerno tinapon lang, may bahay nga sila dun sa labas ng siyudad ay bumabalik lang din naman dito. Dahil ang dugtong ng pabahay at employment ay napakahalaga sana huwag niyang kalilimutan iyon. But I’m very happy na siya yung nakaupo roon I’m wishing and praying na siya yung maupo roon napakaganda,” bahagi ng Pahayag ni Fr. Montallana sa Veritas Patrol.