1,376 total views

Ang human trafficking ay isa na namang problema ng bayan na nagsanga mula sa kahirapan. Ito ay nagpapahirap pa lalo sa ating mga mamamayan. Ito ay isang krimen kung saan ang mga tao, lalong-lalo ang mga babae at bata, ay niloloko at inaabuso para sa prostitusyon, pang-aalipin, o illegal labor.  Ang human trafficking, kapanalig, ay “crime against humanity.” Ang mga bansang mahihirap, gaya ng Pilipinas, ang karaniwang biktima nito.

Ang human trafficking ay isa nga sa mga dahilan kung bakit marami ang nagnanais na ipasara na ang mga POGOs dito sa ating bansa. Ayon nga sa isang report sa senado, nagiging sentro ng human trafficking activities sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa mga POGOs.

Kailangan pa palakasin ng bayan ang pagbabantay ng human trafficking at pagsugpo nito. Atin mang namintina ang Tier 1 ranking sa Trafficking in Persons Report 2023 – ibig sabihin nito ay ating naabot ang minimum standards sa paglaban sa trafficking in persons – marami pa rin tayong kailangang gawin. Ayon na rin mismo sa report, medyo kulang ang effort o ginawa ng bayan para imbestigahan o ihabla ang mga labor trafficking crimes na nangyayari mismo sa loob ng bansa. Mas kaunti na rin ang ating naitalang biktima at naihablang human traffickers. Maliban pa dito, talamak pa rin ang korupsyon at pag kuntsaba ukol sa human trafficking, kaya nagiging hadlang pa ito sa pagsugpo ng nasabing krimen. Base din sa report, nagkukulang na rin tayo sa pagprotekta sa mga biktima.

Alam natin na kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nabibiktima ng krimen na ito. Ang kawalan ng oportunidad sa trabaho at kakulangan sa access edukasyon, na kadalasang mula din sa kahirapan, ang nagtutulak pa lalo sa ating mga kababayan na patusin ang mga panloloko ng mga human traffickers. Marami din, dahil sa mababang kamalayan, napapaniwala ng mga human traffickers sa mas malaking kita at mas maginhawang buhay. Sabi nga ni Pope Francis sa No Longer Slaves:  the victims of human trafficking and slavery are people who look for a way out of a situation of extreme poverty; taken in by false promises of employment, they often end up in the hands of criminal networks which organize human trafficking.

Dahil sa human trafficking, kapanalig, marami tayong mga kababayan ang naitatali sa trabahong nagnanakaw ng kanilang karapatan at dignidad. Marami sa kanila ang nagdudusa at nag-iisa. Hanggang kailan ba natin sila pababayaan?

Nawa’y maantig tayo sa mga kataga mula sa Evangelii Gaudium: How I wish that all of us would hear God’s cry: “Where is your brother?” (Gen 4:9). Where is your brother or sister who is enslaved? Where is the brother and sister whom you are killing each day in clandestine warehouses, in rings of prostitution, in children used for begging, in exploiting undocumented labour? Let us not look the other way. There is greater complicity than we think.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,905 total views

 24,905 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,910 total views

 35,910 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,715 total views

 43,715 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,270 total views

 60,270 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 76,000 total views

 76,000 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,906 total views

 24,906 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong pinagtataguan mo?

 35,912 total views

 35,911 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

To serve and protect

 43,717 total views

 43,716 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,272 total views

 60,271 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top