300 total views
Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa plano ng pamahalaan na magpaabot ng humanitarian aid sa mga displaced Afghan nationals.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, kaisa ng pamahalaan ang kumisyon sa pagnanais na tumugon sa pangangailangan ng mamamayan ng Afghanistan na kasalukuyan na nasa ilalim ng pamamahala ng militanteng grupong Taliban.
“In the wake of a major humanitarian and displacement crisis, the Commission on Human Rights (CHR) commends the Philippine government’s commitment in opening its doors to refugees fleeing Afghanistan, and its recent pledge during the United Nation’s flash appeal to extend financial aid for humanitarian response in the now Taliban-controlled country,” pahayag ni de Guia.
Pagbabahagi ni Atty. De Guia, bahagi ng mandato ng CHR ang paninindigan sa pagbibigay halaga sa dignidad at karapatang pantao ng bawat indibidwal mapa-Pilipino man o hindi.
Paliwanag ni Atty. De Guia, kaakibat ng pagbibigay halaga sa karapatang pantao ng bawat mamamayan ay ang pagkakaroon ng katiyakan sa mga pangunahing pangangailangan, kaligtasan at mga pangunahing serbisyo para sa bawat indibidwal.
“While we respect the national sovereignty of States, the CHR asserts that all human beings, within or outside their country’s borders, deserve to be treated with dignity and respect and to be assured recognition of their human rights, including access to services needed to realise those rights. This is regardless of their migratory status and in accordance with the common good and international law,” dagdag pa ni Atty. De Guia.
Nagpahayag naman ng patuloy na suporta ang CHR sa ginagawang hakbang ng pamahalaan partikular na ng Department of Foreign Affairs upang patuloy na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino mula sa bansang Afghanistan.
Matatandaang una ng nanawagan si Prefect of the Congregation for the Evangelizations of Peoples Luis Antonio Cardinal Tagle na siya ring pangulo ng Caritas Internationalis para sa pagkakaron ng bukas na puso ng bawat isa upang lingapin ang mga higit na nangangailanan dulot ng iba’t ibang uri ng suliranin na nararanasan ng buong daigdig kasabay na rin ng patuloy na paglaganap ng COVID-19 pandemic.