Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total reads

Ang ilang linggong lockdown nuong simula ng pandemic ay nagbigay ng maikling panahon upang makahinga ang kalikasan. Hindi ba’t luminis ang hangin pati ilang katubigan noong tayong lahat ay  nanatili sa ating mga kabahayan? Kaya lamang, noong unti unti ng lumabas ang mga mamamayan sa kanilang mga tahanan, ang kaunting pahinga na nakuha ng kalikasan ay biglaang binawi. Dahil sa pandemya, unti-unti na naman nating sinasakal sa basura ang ating kapaligiran.

Ang mga produktong mula sa plastic ang mga naging pangunahing sandata natin upang malabanan ang COVID 19.  Ang ating mga masks, mga gloves, at mga bote ng alcohol at sanitizers – lahat yan ay mula sa plastic. Ang mga PPEs pati apron at iba pang disposable na gamit pang medical, lahat yan ay may plastic. Kadalasan, ang mga panangga nating ito ay single use lamang – pagkatapos gamitin, tapon agad. Tinatayang umaabot ng 1.6 million tonelada kada araw ang dami ng mga plastic wastes na nalilikha simula ng COVID 19 outbreak. Tinatayang 3.4 bilyong face masks din ang ang naitatapon kada araw dahil sa pandemya.

Ang ganitong kadaming basura ay hindi pa nangyayari sa ating kasaysayan. Habang tumatagal ang pandemya, mas lalong dumadami ito. Sa ating bansa, idagdag pa natin ang basura ng face shield. Kapanalig, habang rumagasa ang sakit, huwag na sana nating dagdagan pa ang problema ng bayan. Ang basurang ating pawardi-warding tinapon ay maaring magdulot ng sakit sa mga nangongolekta ng basura,  sisira pa ito sa ating mundo sa kalaunan. Kailangan nating mapalaam sa mas maraming tao ang tamang pagtapon ng medical waste, at ang mga paraan upang hindi natin masikil pa ang kalikasan.

Isa sa mga dapat gawin natin sa ating kabahayan hanggang sa mga pampublikong lugar ay ang magsegregate ng basura mula sa source o pinanggagalingan nito. Ihiwalay natin, kapanalig, ang ating infectious waste at huwag itapon kung saan-saan. Ang mga basurang ito, bukod sa maaring makapanghawa, ay pumupunta sa ating mga daluyang tubig hanggang sa ating  mga karagatan.

Kailangan din maisa-ayos ang ating waste disposal system. Hindi dapat itatambak lamang ang mga medical wastes ng walang naayong treatment. Mas malaking problema ang ating makukuha kung hindi marunong ang mga LGUs ng bayan maisa-ayos ang mga infectious at medical wastes. Lahat ng gagalaw nito sa mga landfills, gaya ng mga waste pickers o nangangalakal, ay maaring mahawa.

 Kapanalig, sa ating Bibliya, mula pa lamang sa libro ng Genesis, sinabi na ng Panginoon na ang kalikasan ay para sa sangkatauhan. Hindi nilalayon ng Diyos na matambakan ng basura ang handog niyang biyaya na ito. Kaya’t hamon ng Populorum Progressio- Katungkulan ng tao na paunlarin ang kapaligiran, gamit ang kanilang talino at kamay.

Sumainyo ang Katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,050 total reads

 11,050 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,362 total reads

 12,362 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,086 total reads

 26,086 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,464 total reads

 63,464 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,734 total reads

 94,734 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,291 total reads

 170,291 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,259 total reads

 263,259 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 26,087 total reads

 26,087 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,465 total reads

 63,465 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,735 total reads

 94,735 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,292 total reads

 170,292 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top