Humilitas for the Sacred Heart movement 2025, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Tiniyak ni Father Nicanor Lalog II – Humilitas Metro Manila Convenor ang pagbabalik ng puso ng tao sa Panginoon.

Ito ang mensahe ng Pari sa naging pagdaraos ng Humilitas for the Sacred Heart Movement 2025 sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine.

Ayon sa Pari, ang pagpapatuloy nito higit na ngayong Hunyo na itinatakda ng simbahan para sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus ay upang higit na mapalalim ang pagmamahalan at isentro ang Panginoon sa mundong nababalot ng suliranin na nakakalimutan na ang pagmamahal ng Panginoon.

“Simple lamang naman kami sa Humilitas, ang sa amin lang naman kailangan magkaroon ng awareness ang mga tao na mayroong movement na ganito, yun nga kasi-kapuna-puna lalo sa parokya maraming mga tao parang wala ng first friday, noon dati sa Veritas diba mayroong tayong Meatless Fridays, yun ay magandang ginagawa ng iba sa Amerika, pero siguro yun lang ang purpose namin- na magising muli ang mga tao na ang June ay buwan ay kamahal mahalang puso ni Hesus at dito natin nakikita yung pagiging tunay na tao ng ating Panginoon Hesukristo, naramdaman niyang masaktan, naramdaman niyang mabigo, naramdaman niyang mamataya , naramdaman niyang mawalan ng kaibigan, naramdaman niyang na talikuran ng mga kaibigan, naramdaman niya lahat ang hirap at pasakit ng isang tao, kaya kung meron man isang kadamay natin sa ating mga kapaghatian at mga sakit sa buhay yan ay walang iba kungdi ang ating Panginoong Hesukristo,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Lalog.

Layunin din nito na mapalalim ang kamalayan ng bawat isa sa pagkakatawang tao ni Hesus kung kaya’t siya ang walang ibang nakakaintindi ng kalbaryo kung paano maging tao sa mundong nabablaot ng suliranin.

Bilang paggunita rin ng Jubilee Year 2025, layunin ng gawain na maisulong ang Sacred Heart of Jesus bilang mahalagang bahagi ng pananampalataya.

Ayon kay Fr.Lalog, ito ay upang higit na mapatibay ang sinodo na sama-samang paglalakbay kasabay ng pagiging pag-asa para sa kapwa alinsunod sa temang ‘Pilgrims of Hope’.

“Ang layunin namin ay makita natin ang kahalagahan ng ating puso, na ang puso ay hindi bato na matigas, maramot at masungit kungdi pusong laman na nararamdaman ang tibok, ang pintig ng bawat isa na mayroon ding uso na isang puso na magmamahal, isang puso na buhay, hindi pusong patay, yun ang mahalaga na gusto naming magising sa mga tao, na ang puso natin, ang puso ay buhay- daoat buhayin, ito’y tumitibok, may pintig at ibig sabihin, gumagalaw, kumikilos, nagmamahal yun ang pinakamahalaga,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Lalog.

Ngayon taon, nakiisa ang mga mananampalataya mula sa ibat-ibang parokya kasama ang mga deboto at kabataan sa Humilitas for the Sacred Heart Movement 2025.

Sinimulan sa EDSA Shrine ang Gawain sa pamamagitan ng prusisyon sa Ortigas Business Center na sinundan ng Exposition of the Sacred Heart of Jesus, kasunod nito ay nagkaroon ng mga tampok na tagapasalita mula sa hanay ng Humilitas at pagtalakay ni Fr.Paolo Pirlo SMHI sa kahalagahan ng pagdedebosyon at pagbabalik loob sa Sacred Heart of Jesus.

Nagkaroon din ng Manifesto Signing ang mga Kabataan, Mananampalataya at Debotong kalahok sa gawain na nangakong makikiisa sa patuloy na pagsusulong sa kamalayan ng tao at muling panunumbalik sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top