Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hustisya para sa mga desaparecidos

SHARE THE TRUTH

 13,144 total views

Mga Kapanalig, noong ika-6 ng Oktubre, pinawalang-sala ng Malolos Regional Trial Court ang retiradong heneral na si Jovito Palparan sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention, at serious physical injuries. Isinampa ang mga ito ng magkapatid na magsasakang sina Raymond at Reynaldo Manalo noong 2016, isang dekada matapos silang dukutin ng militar dahil miyembro sila umano ng rebeldeng grupo.

Si Palparan ay isang convicted criminal na kilala sa kanyang papel sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao at extrajudicial killings sa counterinsurgency operations sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Napatunayan siyang nagkasala noong 2018 sa enforced disappearance, torture, at rape ng dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na sina Sherlyn Cadapan and Karen Empeño noong 2006 kung saan si Raymond ay nagsibling key witness. Hanggang ngayon ay nawawala pa rin sina Sherlyn at Karen. Dalawa lamang sila sa libu-libong desaparecidos o mga biktima ng enforced disappearances sa Pilipinas.

Mariing kinondena ng mga human rights groups ang hatol ng korteng tila nagbalewala sa dinanas na pagdukot, sapilitang pagkawala, torture, at pagdurusa ng Manalo brothers. Ayon kay Carlos Conde ng Human Rights Watch, ipinakikita nito ang pagpapatuloy ng impunity sa enforced disappearances sa bansa. Ayon naman sa grupong Karapatan, ang kaso ng magkapatid ay halimbawa ng baluktot na sistema ng hustisyang nagpapahirap sa mga ordinaryong mamamayang ipaglaban ang katarungan at papanagutin ang mga nasa likod ng enforced disappearances, torture, at lahat ng paglabag sa karapatang pantao.

Batay sa datos ng Families of Victims of Involuntary Disappearance (o FIND), hindi bababa sa dalawang libo ang dokumentadong kaso ng enforced disappearances sa bansa simula noong Martial Law: 1,165 ang nananatiling nawawala, 663 ang surfaced alive, at 280 ang natagpuang patay. Kaya naman, patuloy ang panawagan ng mga pamilya ng mga desaparecidos na ipatupad ang Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012 na layong bigyan ng hustisya at proteksyon ang mga biktima. Ayon sa mga human rights groups, ang patuloy na kabiguan sa pagpapatupad ng batas ay humantong lamang sa mas maraming paglabag sa karapatang pantao.

Ayon naman sa CIVICUS Monitor, ang estado ng civic space sa Pilipinas ay nananatiling “repressed. Sa madaling salita, may pagpipigil o paghahadlang pa rin sa mga espasyo kung saan lumalahok ang mga mamamayan at organisasyon sa mga isyung pulitikal at panlipunan sa kanilang mga komunidad. Ang civic space ay pundasyon ng isang gumaganang demokrasya. Guguho ito kung patuloy nang mga karahasang katulad ng harassment, red-tagging, enforced disappearance, at pagpatay sa mga aktibista, mamamahayag at human rights defenders. Guguho ito kung patuloy ang paglabag ng gobyerno sa mga karapatang pantao.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diin ang paggalang sa dignidad ng tao, pagpapahalaga sa karapatang pantao, at pagtataguyod ng katarungan. Wika nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, ipinaglalaban natin ang hustisya bilang paggalang sa mga biktima at sa kanilang dignidad. Ipinaglalaban natin ang hustisya upang hindi na maulit ang krimen, pigilan ang patuloy na mga paglabag sa karapatang pantao, at pangalagaan ang kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, matapos ilabas ang nakapanlulumong hatol ng korte kay ex-general Palparan, hindi makapaniwala si Raymond sa nangyaring pagpapawalang-sala sa mga umabuso sa kanila. Gayunpaman, ipinahayag niyang magpapatuloy ang laban. Aniya, “Hindi ako susuko hangga’t hindi ko nakakamit ang tunay na hustisya para sa akin at para sa ibang kasamahan kong nalabag ang karapatang pantao.” Suportahan natin ang panawagan ni Raymond at ng naiwang pamilya ng mga biktima ng enforced disappearances nang sa gayon ay mapairal ang katarungan gaya ng winika sa Zacarias 7:9. Ipanawagan natin ang hustisya para sa mga desaparecidos.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 6,964 total views

 6,964 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 38,103 total views

 38,103 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 43,690 total views

 43,690 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 49,206 total views

 49,206 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 60,327 total views

 60,327 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 6,965 total views

 6,965 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 38,104 total views

 38,104 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 43,691 total views

 43,691 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 49,207 total views

 49,207 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 60,328 total views

 60,328 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 77,866 total views

 77,866 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 65,568 total views

 65,568 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 74,050 total views

 74,050 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 67,109 total views

 67,109 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 74,033 total views

 74,033 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 71,127 total views

 71,127 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 81,628 total views

 81,628 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 96,701 total views

 96,701 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 102,665 total views

 102,665 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 106,812 total views

 106,812 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top