Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 12,470 total views

Mga Kapanalig, kahit wala na sa puwesto, mainit pa rin ang dugo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga progresibong grupong aniya’y mga “komunista”. Sa isang interview, sinabi ng dating presidente na gusto niyang patayin ang mga komunista sa Kongreso. Pinangalanan niya si ACT Teachers party-list Representative France Castro bilang unang target. “Patay kayong mga komunista d’yan,” pagbabanta ng 78 anyos na dating pangulo.

Ang mga sinabing ito ni ex-President Digong ay reaksyon niya sa mga kumikuwestyon sa paghingi ng kanyang anak ng confidential funds. Isa nga si Representative Castro sa mga naghahanap ng kalinawan kung bakit kailangan ni VP Sara Duterte ng pondong hindi dadaan sa masinsing pagsusuri ng Commission on Audit (o COA). Bagamat hindi naman niya pinagbantaan ang buhay ng mga kumikuwestyon sa paghingi niya ng malaking confidential funds, tinawag naman sila ni VP Sara na “kalaban ng kapayapaan” at “kalaban ng bayan”. Mukhang totoo nga ang kasabihan sa Ingles: “The apple doesn’t fall far from the tree.

Mapapabuntong-hininga na lang tayo sa ganitong uri ng pag-iisip ng ilan nating mga lider—dati man o kasalukuyang nakaupo sa puwesto. Lantaran ang pagkiling nila sa karahasan, sa halip na magbigay ng malinaw at mahinahong sagot sa mga tanong sa kanila. Kalaban agad ang tingin ng mga lider na ito sa mga taong may ibang pananaw. At ang mga kalaban sa kanilang paningin ay mga taong pwedeng pagbantaan ang buhay, pwedeng patayin. 

Ang nakalulungkot at nakababahala, mataas ang tingin ng marami sa atin sa ganitong uri ng mga lider. Sikat pa rin sila. Pinagkakatiwalaan pa rin sila. Ibinoboto pa rin sila, at iboboto pa rin sila. Marami rin ang naniniwala—o napaniwalang—dapat may kamay na bakal ang mga nagpapatakbo ng gobyerno, at kapag sinabing kamay na bakal, wala silang dapat na sinasanto, walang kinatatakukan, maliban na lang siguro kung kakampi nila sila. Sa paggamit ng dahas—kahit lamang sa salita—maipakikita daw na seryoso ang mga lider sa pagganap ng kanilang tungkulin. Walang pakialam ang marami nating kababayan sa mga napatunayang paglabag sa karapatang pantao ng mga lider na ito o kahit sa kanilang lantarang pagbabanta sa buhay ng iba. 

Ang pamamayagpag ng mga lider na kumikiling sa karahasan ay sumasalamin sa ating mga pinahahalagahan bilang mga botante. Hindi natin maaasahang mawala sa poder ang mga walang pagpapahalaga sa karapatang pantao, demokrasya, at tamang proseso ng batas kung tayong mga botante—o ang karamihan sa atin—ay wala ring pagpapahalaga sa mga ito. Hindi rin naman natin maasahang ipagtatanggol ng mga botante sa pamamagitan ng balota ang mga bagay na marahil ay hindi nila lubusang naiintindihan. 

Ilan sa mga sanhi nito ang uri ng edukasyong nakamit natin at ang kulturang ating kinagisnan. Kung hindi tayo natutong maging kritikal, tatanggapin na lamang natin ang sinasabi ng mga lider natin. Kung hindi tayo lumaking may pagtitimpi at kahinahunan, karahasan lamang ang makikita nating “tamang” paraan. Kung hindi tayo naging mulát sa ating kasaysayan, hindi natin magagawang itama at ituwid ang mga mali ng nakaraan. Uulitin at uulitin natin ang mga ito, kabilang ang pagboto sa mga lider na nagpapalaganap ng takot at ng bulag na pagsunod sa kanila.

Mga Kapanalig, sa Evangelii Gaudium, sinabi ni Pope Francis na ang karasahan ay lumilikha lamang ng bago at mas maraming pag-aaway sa halip na magbigay ng solusyon. Hindi dapat umiral sa pamahalaan, bilang tagapagtaguyod ng kabutihang panlahat, ang pagkiling sa karahasan. Dapat pagsikapang gawin ng ating mga lider ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan, paalala nga sa Roma 14:19. Ngunit muli, sa ating mga mamamayan nakasalalay kung uupo ba sa pamahalaan ang mga lider na utak-pulbura.  

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,418 total views

 9,418 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,899 total views

 16,899 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,039 total views

 30,039 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,012 total views

 36,012 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,766 total views

 41,766 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,419 total views

 9,419 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,900 total views

 16,900 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,040 total views

 30,040 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,013 total views

 36,013 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 41,767 total views

 41,767 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,752 total views

 40,752 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,836 total views

 41,836 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,217 total views

 37,217 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,221 total views

 49,221 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,263 total views

 57,263 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,820 total views

 48,820 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,245 total views

 47,245 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,031 total views

 49,031 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,956 total views

 45,956 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,270 total views

 60,270 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top