Huwag gamitin ang komunikasyon sa paninira ng kapwa-Bishop Maralit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,632 total views

Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang pakikipag-komunikasyon ay isang biyaya ng Panginoon at hindi dapat gamitin upang manira o makapanakit.

Ito ang bahagi ng mensahe ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. -chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications kaugnay sa paggunita ng 59th World Communications Day ngayong taon.

Ayon sa Obispo, ang iba’t ibang paraan ng pakikipagkomunikasyon tulad ng internet at social media ay isang biyaya na dapat na gamitin sa makabuluhang pamamaraan sa halip na sa pagdudulot ng paghihirap at pagdurusa ng kapwa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng misinformation, disinformation, at fake news.

“We already know and our [late] Holy Father has reminded us Pope Francis has reminded us so many times that there is so much pain, hurt and suffering within communication because of how communication has been used in a very bad way through misinformation, disinformation, bashing, even a lot of fake news has been going around about people, destroying images, destroying people, destroying persons all of this has left us with an experience of pain and suffering through something that is not even created for that.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Maralit.

Paliwanag ni Bishop Maralit, bilang mga ‘ministers of social communication’ o mga tagapagbahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon ay dapat lamang na isulong ang naaangkop na paggamit ng iba’t ibang paraan ng pakikipagkumunikasyon upang maibahagi ang pag-ibig, pagkakawang-gawa, at pag-asa para sa mas nakararami.
Giit ng Obispo, hindi kailanman dapat na maging daan ang pakikipagkomunikasyon upang makapanakit o manira ng kapwa sa halip ay dapat itong gamitin ng may kahinahunan para sa pagsusulong ng kabutihan at pag-unlad sa lipunan.

“It [communication] was created to do good and our Holy Father tells us the ministers of social communication with the church to always share our message, to communicate with gentleness and the term that he used in this message was to disarm, to take away that characteristic of social communications that has been going around for quite some time that keeps on hurting people, that keeps on destroying people, now we bring the good news and the good news is always with gentleness to bring about the stories that comes from the heart stories that is about love, charity, hope, so again a very beautiful challenge from Pope Francis for all of us.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Tema ng 59th World Communications Day ngayong taon ang ‘Share with gentleness the hope that is in your hearts’ kung saan dapat na maging daluyan ng pag-asa ang social media at maging daan ng pagbubuklod ng mamamayan.

Ang World Communications Sunday na ginugunita kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon o Ascension Sunday ay isang paalala sa hamon sa bawat isa na maibahagi ang Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan ng pakikipagkumunikasyon.

Unang isinagawa ng Simbahan ang paggunita ng World Communications Day noong 1967 sa pangunguna ni Pope St. Paul VI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 23,478 total views

 23,478 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 44,459 total views

 44,459 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 66,887 total views

 66,887 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 240,217 total views

 240,217 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 216,187 total views

 216,187 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

EJK Truth Commission, itinatag

 3,175 total views

 3,175 total views Pormal nang inilunsad ang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon

Read More »
Scroll to Top