Huwag katakutan ang mga nangyayari sa paligid- Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,210 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na huwag katakutan ang mga pangyayari sa paligid bagkus ay magbuklod sa paglalakbay bilang kristiyanong pamayanan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon kung saan tinuran nito ang iba’t ibang usaping nakakaapekto sa tao tulad ng usapin sa pulitika, ekonomiya, edukasyon, ang mabilis na pag-usbong ng teknolohiya gaya ng Artificial Intelligence, at ang laganap na fake news lalo na sa digital spaces.

Batid ni Cardinal Advincula na malaking hamon ang mga pangyayari sa paligid sa tao at sa pagiging kristiyano subalit nawa’y isaisapuso at isaisip ng bawat isa ang dakilang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakasakit, pagkamatay at
muling pagkabuhay ni Hesus sa krus.
“Being shaken” should not terrify us. Being a “community of the shaken” can lead us to become a “community of synodality and solidarity.” We do not give in to panic or rage. We journey together with courage and patience. We stand firmly on our anchor and strong foundation. The Lord lives,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.
Iginiit ni Cardinal Advincula na ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon ang pag-asang inaasam ng lahat lalo na ang mga pinanghihinaan at nahaharap sa matinding pagsubok sa buhay. Binigyang diin ng arsobispo na ang pagtatagumpay ni Hesus sa krus ay tanda ng pagtatagumpay ng sangkatauhan mula sa kasalanan kaya’t nararapat na hindi mangangamba ang tao.

“The Risen Lord has conquered all. No trouble will overwhelm us. No trial will break us. We will never grow tired of proclaiming this most important message of our Christian faith: Christ is alive. He has overcome death. He walks with us
today. He brings light to our troubled lives. He takes away our fears of an unpredictable future. He guides us in our perilous journey in a volatile, uncertain, complex, and ambiguous world,” ani Cardinal Advincula.

Sa pagdiriwang ng simbahang katolika ng Taon ng Hubileyo na nakatuon sa temang ‘Pilgrims of Hope’ umaasa si Cardinal Advincula na ituon ng mananampalataya ang kanilang sarili kay Hesus na muling nabuhay sapagkat ito ang tunay na tanda
ng pag-asa ng sanlibutan. Pinangunahan ng cardinal ang Bihilya sa Muling Pagkabuhay ni Hesus sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral o Manila Cathedral kasama sina cathedral rector Msgr. Rolando dela Cruz, Fr. Vicente Gabriel Bautista at mga bisitang pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 230,638 total reads

 230,638 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 262,369 total reads

 262,369 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 364,193 total reads

 364,193 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 404,756 total reads

 404,756 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 415,942 total reads

 415,942 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top