Huwag matigas ang ulo, pakiusap ng PNP sa mamamayan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

March 25, 2020, 2:04PM

Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa mamamayan na makiisa sa ipinapatupad na pag-iingat ng pamahalaan upang masugpo ang pagkalat ng pandemic Corona Virus disease.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Lt. General Guillermo Eleazar, deputy Director for Operations ng PNP, ito ay upang magkaroon ng kabuluhan ang lahat ng sakripisyo ng bawat isa tulad ng pagtitiis na hindi lumabas ng bahay.

“Kanya-kanya itong responsibilidad. Dapat hindi na paalalahanan or else we defeat the purpose of the quarantine,” ayon pa kay Eleazar.

Ayon sa opisyal, masasayang lamang ang ipinatutupad na paghihigpit kung hindi susunod ang sa panuntunan tulad ng social distancing, paglusot sa mga curfew, at mga checkpoints ng pulisya.

“Tayong lahat ay dumaraan sa mahirap na sakripisyo.Ang sakripisyo sana natin ay huwag masayang. Magtulungan po tayo, dahil ang sinasabi ko napakasayang. We need your cooperation to succeed na mapigil ang pagkalat ng virus,” ayon pa kay Eleazar.

Nilinaw ni Eleazar na sa umiiral na Luzonwide Quarantine ay 24-oras dapat nasa loob ng bahay ang mga tao maliban na lamang sa ilang mga exempted na lumabas.

Nagpapasalamat naman si Eleazar na malaki na ang nagbago sa pagsunod ng publiko sa mga panuntunan sa ika-8 araw nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 4,284 total reads

 4,284 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 91,368 total reads

 91,368 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 128,741 total reads

 128,741 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 160,002 total reads

 160,002 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 232,601 total reads

 232,601 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top