Huwag mawalan ng pag-asa sa kinabukasan ng Pilipinas, hamon ni Bishop Mesiona sa layko at seminarista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,426 total reads

Hinamon ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, MSP, ang mga layko, pari, at seminarista na huwag mawalan ng pag-asa sa kinabukasan ng Pilipinas at simulan sa sarili ang pagbabagong ninanais para sa bansa.

Ito ang mensahe ng obispo sa paglunsad ng Katipunan Formation Program ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) noong August 11 sa San Ezekiel Moreno Spirituality and Development Center sa San Jose, Puerto Princesa City.

Binigyang-diin ni Bishop Mesiona na posible ang pagbabago sa bansa ngunit kailangan itong magsimula sa personal na pagbabago at responsableng pagkilos ng bawat mamamayan.
“Change is possible. It has to start with ourselves,” ayon kay Bishop Mesiona.

Aniya, sa kabila ng mga mabibigat na suliraning kinakaharap ng bayan ay mahalagang manatiling positibo ang mamamayan sa pagkamit ng pag-unlad at pagbabago.

“Napakahalaga na hindi tayo mawalan ng pag-asa. May mabubuting tao pa rin sa gobyerno. Hindi naman tayo nauubusan ng mabubuting tao,” aniya.

Inihalimbawa ni Bishop Mesiona ang pag-unlad ng mga bansang tulad ng South Korea, Malaysia, Taiwan, at Vietnam, na aniya ay maaaring magdulot ng pag-aalala at pagtatanong sa mga Pilipino kung saan patungo ang bansa.

Gayunman, iginiit ng pastol na hindi dapat mauwi sa pagkadismaya ang ganitong paghahambing, kundi magsilbing hamon upang kumilos ang bawat isa para sa pagbabago mula sa sarili, pamilya, komunidad at parokya hanggang sa buong bayan.

Tinalakay sa formation program ang mga pangunahing suliraning panlipunan tulad ng korapsyon, kahirapan, kriminalidad, kasinungalingan, panlilinlang, at pagtataksil, gamit ang mga pananaw mula sa kasaysayan at Bibliya.

Itinampok din ang 5Ps framework: Prayer o Panalangin, Protest o Pagtutol, Hold Accountable o Panagutin, Remove o Pagtabas, at Hope o Pag-asa, bilang konkretong gabay sa pagtugon ng mga pamayanan sa mga suliraning panlipunan.

Aabot sa 265 ang lumahok sa formation program na kinabibilangan ng mga pari, parish lay leaders, kinatawan ng mga lay organization at seminarista, na magiging katuwang ng CBCP sa pagsulong ng pagiging mabuting mamamayan at pakikilahok sa mga usaping panlipunan na nakaugat sa pananampalatayang Kristiyano.

Pinangunahan ni Madeliene Ibe at ng kanyang grupo mula sa Kaya Natin Movement ang paghuhubog, isang organisasyong nagsusulong ng good governance, ethical leadership, at social accountability.

Lumagda ang mga kalahok, kasama si Bishop Mesiona, sa “Paninindigan sa Katipunan,” na naglalayong patibayin ang kanilang pangako na labanan ang korapsyon, kriminalidad, kahirapan, kasinungalingan at pagtataksil.

Sa pamamagitan ng programa, layunin ng AVPP na hubugin ang mga mananampalataya bilang mga responsableng mamamayan at tagapagtaguyod ng pagbabago na handang isabuhay ang integridad, pananagutan, katarungan at pag-asa sa paglilingkod sa Diyos at bayan.

(With reports Katya Santos)

COMELEC, Tatalima sa Batas

 40,000 total reads

 40,000 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 34,638 total reads

 34,638 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 69,636 total reads

 69,636 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 171,456 total reads

 171,456 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 212,015 total reads

 212,015 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 231,181 total reads

 231,181 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top