Mananampalataya, binalaan ng CFC sa mga scammer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,764 total reads

Nagbabala ang Couples for Christ (CFC) sa publiko laban sa mga indibidwal at grupong gumagamit ng pangalan, logo at pagkakakilanlan nito nang walang pahintulot, partikular sa social media at iba pang online platforms.

Sa isang public notice, sinabi ng CFC na ang paggamit ng kanilang pangalan at logo nang walang pahintulot ay malinaw na paglabag sa batas at maaaring makapanlinlang sa mga miyembro at sa publiko.

Ayon sa CFC, rehistradong trademark nito sa ilalim ng Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines ang kanilang pangalan at logo.

“The CFC logo and name are registered trademarks under Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) and cannot be used by any organization or individual without the prior written authorization of Couples for Christ,” ayon sa pahayag ng CFC.

Binigyang-diin din ng organisasyon na may mga grupong gumagamit ng pangalan at branding ng CFC na maaaring magdulot ng kalituhan kung sila ay opisyal na kaanib o nasa ilalim ng pangangasiwa ng Couples for Christ.

“The unauthorized use of the CFC logo and name is unlawful and has misled CFC members and the public into believing that the individuals and organizations administering the group are affiliated with Couples for Christ,” anila.

Muling iginiit ng CFC ang natatanging pagkakakilanlan nito bilang isang private international association of the faithful of pontifical right, at binanggit ang pagkilala ng dating Pontifical Council for the Laity sa opisyal na pangalan nito.

Ibinahagi ng CFC na noong April 3, 2008, kinilala ng Pontifical Council for the Laity, na ngayon ay Dicastery for Laity, Family and Life, na “Couples for Christ” ang opisyal na aprubadong pangalan ng asosasyon.

“The Pontifical Council for the Laity also expressly stated that the name ‘Couples for Christ’ cannot be used by any other association.”

Inatasan ng CFC ang mga walang pahintulot na gumagamit ng pangalan o logo nito na agad na itigil ang paggamit sa mga ito, kabilang ang paglalagay ng CFC branding sa social media pages, websites, promotional materials at merchandise, gayundin ang anumang pagpapahiwatig ng opisyal na ugnayan sa organisasyon.

Nagbabala rin ang CFC na maaari itong magsagawa ng kaukulang legal na hakbang laban sa mga magpapatuloy sa paggamit o paglabag sa kanilang pangalan at logo.

Kasabay nito, hinimok ng CFC ang mga miyembro, katuwang, at publiko na maging mapagbantay bago sumali, mag-follow, o makipag-ugnayan sa mga grupong nagpapakilalang “Couples for Christ” o “CFC.”

Hiniling ng CFC sa publiko na beripikahin muna ang pagiging lehitimo ng isang grupo o online page sa pamamagitan ng kanilang mga opisyal na digital channels bago makipag-ugnayan o magbahagi ng nilalaman nito.

Ang Couples for Christ (CFC) ay isang Catholic lay movement na itinatag sa Pilipinas noong 1981 upang palakasin ang buhay-mag-asawa at pamilya sa pananampalatayang Kristiyano.

Mula sa Pilipinas, lumawak ito sa iba’t ibang bansa at kinilala noong 2008 ng Pontifical Council for the Laity bilang isang private international association of the faithful of pontifical right.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 26,321 total reads

 26,321 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 70,636 total reads

 70,636 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 108,195 total reads

 108,195 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 215,074 total reads

 215,074 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 258,641 total reads

 258,641 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top