Nothing is far for a mother-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,539 total reads

Inilarawan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagdalaw ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa Archdiocese of Davao bilang isang konkretong tanda ng maka-inang pagkalinga at malasakit ng
Mahal na Birheng Maria sa kanyang mga anak, lalo na sa mga migranteng Pilipino, seafarer, at kanilang mga pamilya.

Sa mensahe ng obispo at kasalukuyang kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Archdiocese of Davao, binigyang-diin nito na tulad ng isang ina, hindi hinahayaan ng Mahal na Birhen na maging hadlang ang layo upang makapiling ang mga deboto.

“Nothing is far for a mother. Nothing can hinder her. She will come, she will arrive, and she will visit her children,”
ayon kay Bishop Santos.

Ayon sa obispo, ang presensya ng Birhen ng Antipolo sa Davao ay hindi lamang isang debosyonal na pagdalaw kundi isang tanda ng patuloy na paggabay ni Maria sa mga mananampalataya.
“Her presence is a sign of her maternal care, her loving concern, and her desire to accompany you in faith,” dagdag pa ng obispo.

Tiniyak ni Bishop Santos sa arkidiyosesis ang patuloy na pakikiisa sa mga gawaing pagmimisyon at paglilingkod, partikular sa pastoral ministry para sa mga migranteng Pilipino, seafarer, at kanilang mga pamilya.

“As your brother Diocese, the Diocese of Antipolo stands united with you, offering spiritual and sacramental care, and supporting the pastoral ministry for our migrants, our seafarers, and their families,” saad pa ni Bishop Santos.

Sinabi rin ng obispo na sa pagdalaw ng Mahal na Birhen, nagkakaisa ang dalawang lokal na Simbahan sa panalangin, debosyon, pag-asa at paglilingkod.

Hiniling ni Bishop Santos na patuloy na mamamagitan ang Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje para sa mga mananampalataya at akayin sila sa mas malalim na ugnayan kay Hesus.

“May she, our miraculous Birhen ng Antipolo, intercede for us before the Father, take you under her maternal protection, and lead us ever closer to her Son, Jesus,” ayon sa obispo.

Ang pagdalaw ng pilgrim image ng Birhen ng Antipolo sa arkidiyosesis ay bahagi ng pagpapalawak ng debosyon sa Mahal na Ina, lalo na ngayong ipinagdiriwang ang ika-400 anibersaryo ng pagdating ng kanyang imahe sa Pilipinas at ang ika-100 taon naman ng kanyang canonical coronation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 26,419 total reads

 26,419 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 70,734 total reads

 70,734 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 108,290 total reads

 108,290 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 215,169 total reads

 215,169 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 258,726 total reads

 258,726 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top