Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag sukuan ang diyalogo

SHARE THE TRUTH

 156 total views

Mga Kapanalig, habang papalapit ang halalan, asahan nating mas titindi na ang pangangampanya ng mga nais makuha ang boto ng mahigit 67 milyong Pilipinong registered voters. Hindi imposibleng maging sa ating mga pamilya ay may pagkakaiba-iba ng opinyon at pananaw sa mga kumakandidato. Kahit sa trabaho at sa komunidad, tiyak na mainit na usapin ang pulitika at may kanya-kanyang manok ang bawat isa. May mga pagkakataong ang ganitong mga pagkakaiba-iba ang nagiging mitsa ng hindi pagkakaunawaan ng mga magkakapamilya, magkakatrabaho, magkakaibigan, o magkakapitbahay.

May paraan ba upang maiwasang mauwi sa hindi magandang ugnayan ang pagtutunggali ng ating mga opinyon at pinaniniwalaan, partikular na sa usaping pulitika?

Sa kanyang mensahe para sa ika-55 na World Day of Peace na ipinagdiriwang natin sa Simbahan tuwing unang araw ng taon, sinabi ni Pope Francis na isa sa mahahalagang saligan ng kapayapaan ay ang diyalogo sa pagitan ng mga henerasyon—dialogue between generations, sa Ingles. Inilagay ng Santo Papa sa mas malawak na konteksto ng kasalukuyang pandemya ang kanyang paliwanag tungkol dito, ngunit maaari din natin itong ilapat sa kawalan ng kapayapaang bunga ang magkakasalungat na pananaw sa pulitika.

Sabi ni Pope Francis, ang mga mas matandang henerasyon ay tila ba lugmok sa kalungkutan, habang ang mga mas batang henerasyon ay tila ba walang lakas na harapin ang kinabukasang naghihintay sa kanila. Ito ang magkaibang pinanggagalingan ng dalawang henerasyong binanggit ni Pope Francis, at ito rin ang masasabi nating pinagmumulan ng madalas na hindi pagsasalubong, ‘ika nga, ng mga nakatatanda at kabataan kapag pulitika na ang pinag-uusapan.

Diyalogo ang nakikitang susi ng Santo Papa upang magkasalubong ang dalawang henerasyong ito. Kaakibat ng pakikipagdiyalogo ang pakikinig sa isa’t isa, ang pagbabahagi ng mga pananaw kahit pa magkakaiba ang mga ito, ang pakikipagkasundo, at paghakbang nang magkasama. Ang tunay na diyalogo, kasama ang pagpapalitan ng tama at positibong mga pananaw, ay nangangailangan ng tiwala sa pagitan ng mga kalahok. Kailangan nating matutunang makuha ang tiwala ng isa’t isa. Bawat isa ay dapat magbigay ng puwang sa kanilang mga kinakausap at iwasang magmatigas na ang kanyang pananaw lamang ang tama at dapat masunod. Ang ganitong ugnayan at diyalogo, dagdag ni Pope Francis, ay ang dapat nagbibigay-buhay sa isang malusog na pulitika.

Dito sa ating bansa, napakatingkad ng pagkakahati-hati natin pagdating sa pulitika, at sa halip na burahin ito, mukhang mas gusto ng maraming gatungan ito. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paninira sa isa’t isa, ang bansagan ang mga hindi nila kasundo ng masasakit na tawag. Sa halip na makinig sa pagtatamang ginagawa ng kanilang mga hindi kasundo kapag may ibinabahagi silang batay sa maling impormasyon, sasagutin nila sila gamit ang bastos na mga salita. Tinutuldukan na nila ang anumang kagustuhang magkaroon ng mapagkakasunduang usapan.

May mga matatandang hindi bukas na pakinggan ang mga pananaw ng kabataan; may mga mas bata namang hindi na interesadong makinig sa pangaral ng mga nauna sa kanila. May mga matatandang ang gusto ay sila lamang ang masusunod kahit na mali ang kanilang katwiran; may mga mas bata namang iginigiit na malaya silang paniwalaan ang gusto nila kahit pa mapanganib ito. Totoong mahirap ang pakikipagdiyalogo ngunit hindi natin ito dapat sukuan kung nais natin ng tunay na kapayapaan sa loob ng ating tahanan at sa lipunang ating ginagawalan.

Mga Kapanalig, tanong nga sa Amos 3:3, “Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang taong hindi nagkakasundo?” Ngayong halalan, sikapin nating magkasundo sa ating mga hangarin para sa ating bayan, at kung lilinaw ito sa pamamagitan ng diyalogo, lilinaw din kung sinu-sino ang dapat nating iboto para sa kapakanan ng lahat ng henerasyon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,265 total views

 2,265 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,238 total views

 8,238 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,993 total views

 13,993 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,256 total views

 21,256 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,241 total views

 29,241 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,266 total views

 2,266 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,239 total views

 8,239 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,994 total views

 13,994 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,257 total views

 21,257 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,242 total views

 29,242 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,170 total views

 35,170 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,174 total views

 47,174 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,216 total views

 55,216 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,773 total views

 46,773 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,198 total views

 45,198 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,984 total views

 46,984 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,909 total views

 43,909 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,223 total views

 58,223 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,913 total views

 61,913 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,516 total views

 60,516 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top