Ibahagi ang pag-ibig ng Panginoon, hamon ng SLP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na naging mabunga at makabuluhan ang naging paggunita ng mga laiko ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon kay Bro. Jun Cruz, Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, nawa ay higit na natutunan ng bawat mananampalataya ang kahalagahan na maihayag ang pananampalataya, maibahagi ang pag-asa at maipahayag ang pag-ibig ng Panginoon sa mas nakararami lalo na sa gitna ng iba’t ibang mga pagsubok at hamon na kinahaharap ng lipunan sa kasalukuyan.

Ipinaliwanag ni Cruz na sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pananampalataya ay higit na mapapatibay at maipapalaganap ang pananampalataya sa Panginoon sa mas nakararami.

“Sana po ay meron tayong natutunan bilang magkakapatid na mga layko, ang una po diyan na gusto nating sabihin ay yung expressing of faith increases faith, ang pangalawa po siguro ay yung announcing hope inspires hope at ang pinakamahalaga po siguro ay proclaiming love makes love great,” ang bahagi ng pahayag ni Bro. Jun Cruz.

Naniniwala si Cruz na ang pagbabahagi at pagpapahayag ng pag-asa at pag-ibig ng Panginoon ay isang paraan upang sama-samang malagpasan ang iba’t ibang pagsubok at hamon sa bawat isa.

Nanawagan naman si Cruz sa iba pang National Lay Organizations at Councils of the Laity ng iba’t ibang diyosesis na maging mapanuri at manindigan sa pagpoproklama ng pagmamahal hindi lamang sa kapwa kundi para sa bansa sa pamamagitan ng matalinong pakikisangkot sa nakatakdang halalan.

Pagbabahagi ni Cruz, napapanahon na upang isulong at iproklama na mas radikal ang magmahal tulad ng pagpapamalas ng Panginoon ng kanyang ipag-adya ang kanyang bugtong na anak na si Hesus upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

“Mga kapatid, mga Councils of the Laity, mga National Lay Organizations ay meron tayong desisyon na gagawin na iproklama ang pagmamahal. Sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay nagpahayag na kami ng paninindigan sa darating na eleksyong ito at marami na pong dioceses at National Lay Organizations, mga grupo na nagpahayag at nagproklama ng pag-ibig sana po kayo rin po sa mga darating pang mga araw ay magproklama na mas radikal ang magmahal, mas radikal ang pag-ibig ipanalangin natin sa Panginoon na sa araw ng pagkabuhay niya, mabuhay na muli ang pananampalataya, ang pag-asa, ang pagmamahal,” dagdag pa ni Cruz.

Matatandaang una ng nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas at ang iba pang Diocesan at Archdiocesan Council of the Laity kabilang na ang mga layko mula sa mga Diyosesis ng Parañaque; Tarlac; Legazpi; Novaliches; Romblon; Malolos; Gumaca; Archdiocese of Lipa; Archdiocese of San Fernando Pampanga; Apostolic Vicariate of Calapan at Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 14,879 total reads

 14,879 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 47,546 total reads

 47,546 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 88,105 total reads

 88,105 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 113,347 total reads

 113,347 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 161,614 total reads

 161,614 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 181,731 total reads

 181,731 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 14,880 total reads

 14,880 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 11,490 total reads

 11,490 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top