Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Palo, nakaagapay sa mga biktima ng Bagyong Agaton

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total views

Patuloy na nagsasagawa ng pagtulong ang Archdiocese of Palo para sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Agaton sa lalawigan ng Leyte.

Ayon kay Rev. Fr. Alcris Badana, Direktor ng Caritas Palo, nasa ikalawang bahagi na sila ng paghahatid ng relief goods para sa mga naapektuhan ng bagyo at landslide partikular na sa bayan ng Abuyog.

Sinabi ni Fr. Badana na umabot sa mahigit 18 libong pamilya ang nasalanta ng Bagyong Agaton habang mahigit sa 50 ang naitalang nasawi dahil sa naganap na landslide.

Nagpahayag ng panalangin at pakikidalamhati ang Arkidiyosesis para sa mga nawalan ng mahal sa buhay kasabay ng pagtitiyak na patuloy silang kikilos upang umagapay sa mga biktima.

Iniulat ng Pari na umabot na sa mahigit 500 relief goods ang kanilang inihatid sa mga evacuation camps at Parokya na nakakasakop sa mga nasabing lugar na tinamaan ng bagyo.

“We conducted solicitation drive para tulungan [sila] and then meron din tayo naka stocks na dito sa office meron tayo naka prepare para immediately makapag relief operation [tayo]. May mga nakatugon naman sa call for donation natin that is why noong Holy Thursday nakapag first wave na kami ng relief [operation],” mensahe ni Fr. Badana sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito nagpadala naman ng P150 libong piso na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Arkidiyosesis ng Palo.

Una nang nagpadala ng tulong ang manila based-social arm ng tig-200 libong piso sa Arkdiyosesis ng Capiz at Diyosesis ng Maasin na kapwa din napinsala ng bagyong Agaton.

Read: https://www.veritasph.net/400k-ipapadalang-tulong-ng-caritas-manila-sa-mga-sinalanta-ng-bagyong-agaton/

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Office o NDRRM mahigit sa 2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Agaton sa Visayas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 77,209 total views

 77,209 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 144,697 total views

 144,697 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 165,762 total views

 165,762 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 186,712 total views

 186,712 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 217,773 total views

 217,773 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 87,380 total views

 87,380 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top