Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 101,862 total reads

Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Lucas, matutunghayan natin ang kuwento ng mayamang kolektor ng buwis na si Zaqueo. Sinabi niya kay Hesus, “Panginoon, ipamimigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga kayamanan. At kung ako’y may nadayang sinuman, isasauli ko ito sa kanya ng makaapat na beses.” Sagot ni Hesus kay Zaqueo, “Ang kaligtasan ay dumating ngayon sa sambahayang ito.”

Sa isang editoryal, tinalakay natin ang pagsisisi ng mga gumawa ng mali bilang mahalagang hakbang para umiral ang hustisya. Pero hindi iyon sapat. Kailangang mapanagot ang mga nagkasala. Kasama sa pagpapanagot na ito ang pagtutuwid sa mga ginawang mali, at kabilang dito ang pagbabalik sa mga ninakaw o pagbabayad-pinsala—gaya ng ipinangakong gagawin ni Zaqueo sa kanyang mga dinaya. Restitution ang tawag dito sa Ingles.

Lumutang ang salitang restitution noong sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat munang ibalik ng mag-asawang contractor na sina Pacifico at Sarah Discaya ang diumano’y kinulimbat nila mula sa bilyun-bilyon pisong halaga ng mga kontratang nakuha sa DPWH. Iminungkahi niyang gawing kondisyon ito bago maipasok ang tinaguriang “king and queen of flood control projects” sa witness protection program.

Kinontra ito ni Senador Rodante Marcoleta. Wala raw ganitong requirement sa Republic Act No. 6981 o ang Witness Protection, Security, and Benefit Act. Hindi raw kailangang magbalik ng anumang pera ang mag-asawang Discaya para makapasok sa witness protection program ng DOJ. Wala raw restitution sa naturang batas. 

Ang mga state witnesses ay maaaring mabigyan ng immunity mula sa anumang criminal prosecution. Bantay-sarado sila ng mga awtoridad sa isang safe house. Protektado ang kanilang pagkakakilanlan. Ang komplikasyon lang sa kaso ng mag-asawang Discaya, kailangang mapatunayang sila ang “least guilty” o ang pinaka-hindi guilty sa kaso para mabigyan ng proteksyon ng estado. 

Mahirap itong mapatunayan dahil kitang-kita naman kung paano sila nakinabang sa tila ba sindikato sa DPWH at ibang sangay ng gobyerno. Malalaki ang kanilang bahay. Marami silang magagarang kotse. Daanlibo—kung hindi man milyones—ang halaga ng kanilang mga gamit at damit. Kaya para kay DOJ Secretary Remulla, “morally right” lamang na ipabalik sa mga Discaya ang perang mula sa kaban ng bayan. “Justice can only be attained if there is restitution,” paliwanag ng kalihim. 

Anong tingin ninyo, mga Kapanalig?

Aminado ang mga Discaya na bunga ng korapsyon ang yaman nila. Para makuha ang mga kontrata sa DPWH, nagpagamit daw sila sa mga tiwaling opisyal ng ahensya. Naging kasangkapan sila sa pagnanakaw sa gobyerno, at nakinabang sila rito. May mga perang hindi nila dapat napasakamay, kaya hindi ba dapat lamang na ibalik nila ang mga ito? Mahirap tanggapin na gagastusan natin ang proteksyong ibibigay sa mag-asawa kung sakaling maging state witnesses sila, pero hindi naman nila ibinabalik ang perang hindi naman kanila. Magiging katawa-tawa ang ating sistemang pangkatarungan. 

Sa katesismo at mga panlipunang turo ng ating Simbahan, may tinatawag tayong commutative justice. Tumutukoy ito sa pagiging patas ng mga transaksyon ng mga tao. Ang pagnanakaw ay lantarang paglabag sa commutative justice at para maitama ito, kailangang ibalik ang ninakaw. “Reparation for injustice committed requires the restitution of stolen goods to their owner,” sabi sa ating katesismo. Kaya naman, ang bilyun-bilyong pisong ninakaw mula sa kaban ng bayan ay dapat ibalik sa taumbayang tunay na may-ari ng perang ito. 

Mga Kapanalig, hindi lamang ang mag-asawang Discaya ang kailangang panagutin sa malawakang nakawan sa ating gobyerno. Maging state witnesses man sila o hindi, may kailangan silang ibalik sa atin. At hindi lamang ang mga Discaya ang may kailangang isauli—lahat ng magnanakaw, singilin at panagutin! Ibalik nila ang lahat ng ninakaw nila sa taumbayan!

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 217,637 total reads

 217,637 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,310 total reads

 252,310 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,210 total reads

 268,210 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 304,700 total reads

 304,700 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 310,396 total reads

 310,396 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 217,638 total reads

 217,638 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,311 total reads

 252,311 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,211 total reads

 268,211 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 304,701 total reads

 304,701 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top