Iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, dadalawin ng pilgrim relic ni St.Therese of the Child Jesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 991 total views

Tiniyak ng National Organizing Committee ng pagdalaw ng relikya ni St. Therese of the Child Jesus na mabisita ang mga diyosesis sa bansa.

Ayon kay Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio, chairperson ng komite ni St. Therese na maging gabay sa sangkatauhan sa paglalakbay tungo sa isang simbahang nakikinig at nagmamalasakit sa mamamayan.

“Kami po sa National Organizing Committee ay magsisikap na madala si St. Therese sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas upang lahat tayo, ang ating mga pamilya at pamayanan ay magkaroon ng pagkakataon na makaakay tungo sa isang synodal church,” mensahe ni Bishop Florencio.

Batid din ng obispo na magandang pagkakataon ang muling pagdalaw ng pilgrim relic ni St. Therese lalo’t ipinagdiriwang pa rin ng Pilipinas ang pasasalamat sa biyaya ng pananampalataya na tinanggap 500 taon ang nakalilipas.

Gayundin ang pasasalamat na unti-unting nakabangon ang lipunan sa epekto ng pandemya na umiral ng mahigit sa dalawang taon.

Matatandaang unang dumalaw sa bansa ang pilgrim relic noong 2000 at nasundan 2008, 2013 at 2018.

Tema sa pagdalaw ang ‘Lakbay Tayo St. Therese! Ka-Alagad, Kaibigan, Ka-Misyon!’ na magsisimula sa January 2, 2023 kasabay ng ika – 150 kapangakan ni St. Therese at magtatapos sa April 23, 2023 sa pagdiriwang ng ika – 100 beatification anniversary.

Una nang binuksan sa publiko ang national themesong writing competition para sa awiting gagamitin sa pilgrim relic sa pagtutulungan ng Military diocese at Jesuit Music Ministry na bumubuo sa National Organizing Committee.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 98,991 total views

 98,991 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 98,991 total views

 98,991 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 98,991 total views

 98,991 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 96,060 total views

 96,060 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 87,723 total views

 87,723 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top