Panatilihing buhay ang pag-asa, paalala ni Bishop Vergara sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,012 total reads

Inihayag ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na nananatiling buhay ang pag-asa sa gitna ng mga krisis at kaguluhang nangyayari sa mundo.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Easter Vigil sa Pasig Cathedral.

Sa kanyang homiliya, iniuugnay ni Bishop Vergara ang mensahe ng muling pagkabuhay ni Hesus sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo, partikular sa digmaan sa Middle East.

“Anuman ang mangyari, may awa ang Diyos. Anuman ang dinadaanan nating krisis sa buhay, may pag-asa… Sa Iran, sa Israel… may mga libingang may laman… hindi lang daan-daan kundi libu-libu ang pumanaw,” ayon kay Bishop Vergara.

Lubhang ikinalungkot ng obispo ang mga karahasan at nagpahayag ng dalamhati sa patuloy na digmaan at pagkasawi ng maraming buhay.

Gayunpaman, iginiit ni Bishop Vergara na ang muling pagkabuhay ni Kristo ang pinagmumulan ng pag-asa ng sangkatauhan.

Ipinaalala ng obispo na ang liwanag ng Pasko ng Pagkabuhay ay sumasagisag sa tagumpay laban sa kadiliman.

“Naniniwala tayo… na matatapos din ang lahat ng ’yan. Naniniwala tayo na maghahari ang kapayapaan. Kahit sa kadiliman, matingkad ang liwanag… nagtagumpay si Jesus,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Vergara na sa muling pagkabuhay ni Hesus, nagkakaroon ng katiyakan ang mga mananampalataya na malalampasan ang anumang pagsubok.

“Dahil si Jesus ay muling nabuhay, anumang pagdurusa ay malalampasan natin,” saad ng obispo.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagbabahagi at paglilingkod sa kapwa.

Inihayag ng pastol na ang maliit na liwanag na tangan ng bawat isa ay paalala ng patuloy na pag-asa kay Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,144 total reads

 226,144 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,875 total reads

 257,875 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,699 total reads

 359,699 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,261 total reads

 400,261 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,756 total reads

 411,756 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top