Iba’t-ibang relihiyon, tumugon sa “1-minute prayer for peace” ni Pope Francis.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

photo courtesy of: http://evangelicalfocus.com

Nakikiisa ang iba’t-ibang relihiyon sa panawagan ni Pope Francis na pananalangin para sa kapayapaan, kung saan ang lahat ay nagpahayag ng panalangin sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi,Mindanao.

Ang ‘A minute of Prayer for Peace’ ay panawagan ni Pope Francis na nagsimula noong June 8, 2014 matapos makipagpulong ang Santo Papa kay Israeli President Shimon Peres at Palestinian President Mamoud Abbas and Patriarch Bartolomew I.

Ang ‘Minute for peace’ ay isinasagawa tuwing ika- 8 ng Hunyo ala-una ng hapon.

Ayon kay Bishop Joel Tindero ng United Church of Christ in the Philippine (UCCP), kinakailangan ang sabay-sabay na panalangin sa buong bansa lalu na para sa mga mamamayang Muslim at Kristiyano sa Marawi city na nahihirapan sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute.

“Ako’y nanawagan sa sambayanang Filipino na sama-samang manalangin para sa kapayapaan ng ating bayan, lalu’t higit sa nagaganap na labanan sa Marawi City. Batid natin na napakaraming Filipino lalu na ang mga kapatid nating Muslim maging ang mga Kristiyano na siyang pangunahing nagdurusa sa digmaang ito na nalikha sa ating pamayanan,’ ayon kay Bishop Tindero sa panayam ng Radio Veritas.

Hiling din ng Obispo na bigyang pansin ng pamahalaan ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan upang ang ugat ng mga armadong tunggalian lalu na ang kahirapan ay mabigyang kalutasan para sa pangmatagalang kapayapaan.

Tiniyak naman ni Bishop Lito Cruz ng Iglesia Filipina Indepediente (IFI) na kagya’t siyang magpapala ng komunikasyon sa kanilang mga miyembro upang makiisa sa panalangin mamayang ala- 1 hapon.

“The IFI will support that. “I will send out communication right away,” ayon kay Bishop Cruz.

Dagdag pa ni Bishop Cruz: “Ang appeal ng IFI ay the peace that we prayed for is based on justice, the peace we want is a peace that gives freedom, sovereignity and abundant life for all people. In particular, in the Philippines we are very worried right now when we talk about peace in relation of the threat in Martial Law. We are not in favor of the Martial Law in Mindanao and also the hanging possibility that martial law will be in effect in the whole nation. We are praying that martial law will be lifted soon in Mindanao,” ayon kay Bishop Cruz.

Ikinatuwa naman ni Princess Jacel Kiram ng Sultanate of Sulu na may mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa Marawi na may mga inisyatibo para sa pagdarasal para sa kanilang kaligtasan.

Nanawagan din si Kiram sa lahat na hindi nawa makaapekto sa relasyon ng Muslim at Kristiyano ang mga ginawa ng Maute Group na hindi itinuturo ng kanilang relihiyon.

Iginiit ni Kiram na ang ibig sabihin ng Muslim ay mga taong nanampalataya sa Islam at inaasahang gagawa ng kabutihan sa kapwa anuman ang relihiyon.

“Diyan ako nalulungkot yung Muslim terrorist, kaya ang panawagan ko sa lahat, turuan po natin ang ating kakabayan ,kasi when you mention the word Muslim ang ibig sabihin lang noon ay they are expected to do good deeds, believer of Islam a religion of peace. Just like when you say Christians wala ng karugtong yun dahil if you are a Christian you are also expected to good deeds only,” ayon kay Kiram.

Ikinatuwa ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang pakikiisa ng iba’t-ibang relihiyon sa panawagan ni Pope Francis na ‘A minute of Prayer for Peace’ ngayong ala-1 ng hapon.

Ayon sa Arsobispo ang panawagan ng kapayapaan ay para sa lahat anuman ang relihiyon.

“Maganda yun, kasi this is a call for peace, for all people regardless of faith affiliation” ayon kay Archbishop Jumoad.

Umaasa rin ang Arsobispo na nawa ay kaluguran ng Panginoon ang panalangin para sa kapayapaan hindi lamang sa Marawi kundi maging sa iba pang panig ng mundo.

Nais din ipanalangin ni Archbishop Jumoad sa pagkakataon ito ang mga politiko na magkasundo-sundo, magkaunawaan para sa pagkaisa tungo sa kabutihan ng mas nakakarami.

“Peace must start within and also in political arena that there will be understanding, also harmony. And will cooperate whatever good for the welfare of the constituents and especially for the people of the Republic of the Philippines,”

Kaugnay nito, ganap na una ng hapon ay live na mapapakinggan sa Radio Veritas ang isang minutong ringing of bells o kalimbang ng kampana na susundan ng isang minutong prayer of silence.

Sa pinakahuling ulat, may 222 libo katao ang mga lumikas sa Marawi City habang patuloy naman na tumataas ang bilang ng mga nasasawi sa labanan na umaabot na sa 188 katao- 120 sa mga ito ay pawang miyembro ng bandido at 30 sa mga ito ay pawang mga sibilyan.

Patuloy naman ang panawagan din ni Pope Francis sa mga Muslim at binyagan na bumuo ng tulay tungo sa pagkakaisa, ang pagmamalakasakit sa kapwa at lumikha ng payapang lipunan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 12,566 total reads

 12,566 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 33,159 total reads

 33,159 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 100,331 total reads

 100,331 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 185,699 total reads

 185,699 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 232,433 total reads

 232,433 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 280,307 total reads

 280,307 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 379,180 total reads

 379,180 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 12,568 total reads

 12,568 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top