149 total views
Napakahalaga ng “spiritual solidarity o pagbubuklod” ng iba’t-ibang religious denominations sa pananalangin
para sa kapayapaan.
Ito ang binigyan-diin ni CBCP Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church Chairman Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.
Ayon kay Bishop David, ang pagkakaisa sa pananalangin o spiritual solidarity ay isang malakas na sandata
ng mamamayan sa anumang hamon ng karahasan,terorismo at pagsubok sa buhay.
“Kailangan magkaisa tayo,at ang Simbahan naman ang ating pagkakaisa ay ispiritwal, magkabuklod tayo spiritually magkaroon tayo ng spiritual solidarity malaking bagay yun…”pahayag ni Bishop David sa panayam ng Veritas Patrol.
Nilinaw ng Obispo na ang spiritual solidarity ay pagbubuklod ng iba’t-ibang relihiyon sa kabila ng magkakaibang paniniwala at pananampalataya.
Kaugnay nito, pinuri at ikinatuwa ni Bishop David ang pagbubuklod at sama-samang pananalangin ng Simbahang Katolika, United Church of Christ in the Philippines, Iglesia Filipina Indepediente at iba pang religious organizations sa “one minute prayer for peace initiative” ni Pope Francis.
Ibat-ibang relihiyon tumugon sa 1 minute prayer for peace ni Pope Francis