12,908 total views
Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na igalang ang mga namayapa.
Ito ang pahayag ng obispo sa nalalapit na paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay o undas sa November 2.
Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng maayos na himlayan sa mga namayapa ay isa sa mga nararapat gawin ng mga kristiyano bilang paggalang at pagbigay dignidad sa mga pumanaw.
“We know one of the seven corporal acts of mercy is ‘bury the dead. Our culture is to respect our faithful departed. Even unto to the grave, we give them decent burial. This shows that we care for them, we love and grateful for their life which they lived for us,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Kamakailan ay nagbabala si Vice President Sara Duterte sa pamilya Marcos na hukayin sa Libingan ng mga Bayani at itapon sa West Philippine Sea ang katawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., kaugnay sa nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng dalawang pinakamatataas na lider ng bansa.
Sinabi ni Bishop Santos na dapat hindi na gambalain ang mga yumaong kaanak sa halip ay ipagdasal ang kapayapaan ng kanilang kaluluwa.
“It is call us for to pray, to offer Holy Masses for our beloved dead for their eternal rest. Let us then leave them in peace, whenever cemetery they are buried,” dagdag ng obispo.
Ibinahagi ng obispo ang matagumpay na ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy na ginanap sa IEC Convention Center sa Cebu City kung saan isa sa tampok na talakayan partikular na sa panayam ni Fr. Chris Alar, MIC ang ‘seven corporal works of mercy’ kung saan kabilang na rito ang paglilibing sa mga yumao.
Aniya, bilang mga kristiyano mahalagang patuloy ipagdasal ang mga yumao at hingin sa Diyos ang habag at awa para sa kanilang kapayapaan.