18K miyembro ng CFC, nakibahagi sa ANCOP Global Walk 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,706 total views

Tinatayang nasa 18,000 miyembro ng Couples For Christ (CFC) mula sa 12 Metro Manila sectors ang nagtipon-tipon para sa ANCOP Global Walk (AGW) 2024 na inorganisa ng CFC – Answering the Cry of the Poor (ANCOP).

Isinagawa ang pagtitipon sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City kung saan pinangunahan ng CFC International Council ang sama-samang paglalakad kaninang alas-kwatro ng umaga.

Ayon kay CFC Spiritual Adviser, Fr. Joel Jason, ang paglalakad ay simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan, kung saan sa pamamagitan nito’y naipapakita ang pagsasama-sama para sa isang layunin.

“Walking is always an expression of solidarity. Walking is always an expression of coming together and joining hand in hand for a cause… Let us be generous. Let us consider all our brethren that with this walk, we will be walking with each other and walking with the Lord,” pahayag ni Fr. Jason.

Layunin ng annual fundraising event na makalikom ng pondo upang suportahan ang Community Development at Education Sponsorship Program ng CFC na nakatuon sa pagkakaloob ng mga tahanan, edukasyon, basic healthcare, at kabuhayan para sa mamamayang kabilang sa mahihirap na sektor ng lipunan.

Bukod naman sa Metro Manila, isinagawa rin ang walk for a cause sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa Pilipinas maging sa mga pangunahing lungsod sa America, Canada, Europe, Australia, Asia, Middle East, at Africa.

Ito na ang ika-14 taong pakikibahagi ng CFC Philippines sa annual walk for a cause na unang inilunsad sa America at Canada.

Tema naman ng ANCOP Global Walk 2024 ang Walk in the Light.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,960 total views

 41,960 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 65,112 total views

 65,112 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 135,226 total views

 135,226 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 209,840 total views

 209,840 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 286,819 total views

 286,819 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top