Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 63,557 total reads

Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon.

Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas.

Ayon kay De Villa, mula ng kanyang itatag ang PPCRV sa ilalim ng gabay ng noo’y Arsobispo ng Maynila Jaime Cardinal Sin ay nananatili ang mandato ng organisasyon na isulong ang pagkakaroon ng C.H.A.M.P election sa bansa na nangangahulugan ng Clean, Honest, Accurate, Meaningful, Peaceful Elections.

Sa kabila nito, nilinaw ni De Villa na tanging si Hesus ang nagsisilbing tunay na pundasyon at gabay sa pagsasakatuparan ng mandato ng PPCRV sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain at inisyatibo nito tulad ng pagkakaloob ng voters education, pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan, at pagsasagawa ng unofficial parallel count sa resulta ng eleksyon.

“Ang PPCRV naman ay noon pang 1991 with the direction of Cardinal Sin and the inspiration of Haydee Yorac (Former Commissioner on Elections of the Philippines) ay inorganize ko ang PPCRV – Parish Pastoral Council for Responsible Voting from then up to now talaga namang sumusunod sa tawag ng Panginoon that we try our best to proclaim C.H.A.M.P Election – Clean, Honest, Accurate, Meaningful, Peaceful Elections pero ang foundation nito ang CHAMP ng PPCRV is Christ kasi si Christ nandyan kasama natin for voters education, for monitoring the conduct of election, for the unofficial parallel count talagang we will know na tutulungan niya tayo kasi siya yung yesterday, today and forever through justice, love and peace.” Bahagi ng pahayag ni De Villa sa Radio Veritas.

Ipinapanalangin naman ni De Villa na tuluyang mabuksan ang kamalayan ng mga botante sa kahalagahan ng responsableng pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal upang mangasiwa at pamunuan ang bansa.

Sinabi ni De Villa na napapanahon ng magkaroon ng tunay na pananagutan ang mga botante hindi lamang sa bayan at sa kapwa mamamayan kundi maging sa Panginoon at sa susunod pang henerasyon sapagkat nakabatay sa resulta ng halalan ang pamamahala sa bansa ng mga halal na opisyal.

“Lagi din akong nagdadasal at patuloy ang lahat ng PPCRV na nagdadasal na Christ will never leave us at finally, finally, finally ang ating mga botante magkaroon na ng wisyo, magkaroon na ng to vote responsibly, to vote wisely, for themselves, and for the future and for the country and for love of God, yun lagi ang panalangin ko at din ang aking katuwaan at hangarin sa aming gaganaping anibersaryo.” Dagdag pa ni De Villa.

Matatandaang ika-19 ng Oktubre taong 1991 ng opisyal na ilunsad ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV bilang isang independent, non-profit at non-partisan organization matapos na manawagan ang mga Obispo sa isinagawang Second Plenary Council of the Philippines sa pagpapatupad ng reporma sa halalan sa bansa.

Dahil dito nabuo ang PPCRV na layunin maging pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas kung saan sa kasalukuyan ay umaabot na sa 700-libo ang volunteers nito mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,783 total reads

 41,783 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,943 total reads

 91,943 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,814 total reads

 139,814 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,763 total reads

 243,763 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,728 total reads

 327,728 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top