Igalang mo ang iyong ama at ina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 868 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Oktubre ang “Linggo ng Nakatatandang Pilipino” o ang “Elderly Filipino Week.” Espesyal na panahon ito upang bigyang-pugay ang natatanging papel ng mga nakatatanda. Dito sa Pilipinas, tinatayang mahigit 7 milyon ang 60 taóng gulang pataas o mga senior citizens.

Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang ay “Pagmamahal at Respeto ng Nakababata, Nagpapaligaya sa mga Nakatatanda”. Angkop na angkop ang tema sa kalagayan ng ating mga nakatatandang nahaharap sa maraming mga pagsubok habang tinatahak nila ang tinatawag na dapithapon ng kanilang buhay. Dala na rin ng kanilang edad, marami sa kanila ang may iniindang sakit. Sa panahon ngayon kung saan mas gusto ng mga employer ang mga mas mabata at malakas, ang mga nakatatandang hindi na kayang makapaghanapbuhay ay nakararanas ng kahirapan. At mukhang taliwas na sa sinasabing pinapahalagahan nating mga Pilipino ang ating mga nakatatanda ang bilang ng mga pinapabayaan o inaabuso sa kanilang mga pamilya, kaanak, o kahit sa mga institusyong tinutuluyan nila.

Sa isang pakikipagpulong sa Pontifical Academy for Life sa Roma noong 2014, sinabi ni Papa Francisco na bagamat mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan, hindi ito ang tanging batayan ng halaga ng isang tao. Ang pinakamatinding hirap na nararanasan ng mga matatanda ngayon ay hindi ang panghihina ng kanilang katawan o ang pagkabalda na sanhi ng kanilang pagtanda, kundi ang pagpapabaya, pagsasasantabi, at kawalan ng pagmamahal sa kanila.

Dito sa Pilipinas, nakararanas ang mga nakatatanda ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso at kalupitan—pisikal, sikolohikal, pinansiyal, at pagsasabi ng masasakit na salita laban sa kanila. Marahil may mga kilala tayong nakatatandang hindi na inaasikaso ng kanilang mga kaanak kahit sila ay may sakit dahil pabigat sa pamilya ang tingin sa kanila. May mga kaso ring sapilitang kinukuha ang kanilang pera, o sinasaktan at minumura kapag sila’y nagkakamali. Kamakailan, may nabalitang isang matandang may sakit sa pag-iisip ang nilagyan ng kulyar ng aso o dog collar sa kanyang leeg upang hindi raw magpagala-gala sa kanilang lugar. Sa isang pag-aaral ng UP National College of Public Administration and Governance, nakitang ang madalas na nang-aabuso sa mga matatanda ay mga mismong kapamilya nila—anak, asawa, at kahit mga apo. Marami sa mga pang-aabusong ito ay hindi na ipinararating sa kinauukulan gaya ng pulisya dahil sa takot na saktan pa sila lalo. Ipinapasa-Diyos na lang daw ng nila ang lahat.

Bilang mga Kristiyano, tayo ay may pananagutan sa ating kapwa, lalo na sa mga pinakamahihina at isinasantabi ng lipunan, kabilang ang mga nakatatanda. Sa kanyang apostolic exhortation na Familiaris Consortio, sinabi ni Pope John Paull II na bahagi ng pastorál na gawain ng Simbahan—tayo po iyon, mga Kapanalig—na alamin, kilalanin, at pagyamanin ang papel ng mga nakatatanda sa ating lipunan at lalung-lalo na sa ating pamilya. Bitbit ang mahaba at malalim na karanasan sa buhay, binibigyang-linaw ng mga nakatatanda ang mga pinahahalagahan o values natin bilang mga tao.

Kaya’t mga Kapanalig—lalo na sa mga may nakatatanda sa inyong pamilya—panahon na upang tayo naman ang mag-alaga sa ating mga matatandang magulang, silang mga nag-aruga, nagpakain, nagpaaral, at patuloy na nagmamahal sa atin. Sa kanilang katandaan, huwag natin silang kalimutan o pabayaan. Patuloy natin silang pasalamatan at kalingain habang sila’y nabubuhay, dahil kung wala sila, wala rin tayo ngayon. Para sa ating mga kabataan, igalang natin ang mga nakatatanda at ituring silang para na rin nating mga magulang.

May matamis na pangako ang Diyos sa mga may pagmamahal sa mga nakatatanda. Alalahanin lagi ang ikaapat na utos: “Igalang mo ang iyong ama at ina, nang sa gayo’y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na iyong Diyos.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 52,174 total views

 52,174 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 70,074 total views

 70,074 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 116,640 total views

 116,640 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 104,413 total views

 104,413 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 121,939 total views

 121,939 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 52,175 total views

 52,175 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 70,075 total views

 70,075 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 116,641 total views

 116,641 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 104,414 total views

 104,414 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »
Scroll to Top