Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ilang bayan ng Bataan, suspendido ang misa; Paglilinis ng bawat Parokya, ipinag-utos

SHARE THE TRUTH

 318 total views

March 14, 2020-11:53am

Ipinag-utos ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa lahat ng mga kura paroko sa diyosesis ang dis-infection sa mga parokya at mga kapilya sa buong diocese ng Balanga, Bataan bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng coronavirus disease o covid-19.

Tagubilin din ng obispo ang paglalagay ng mga alcohol, sanitizers, at pagtiyak sa laging pagsusuot ng face mask ng mga lay ministers at iba pang mga naglilingkod sa loob ng simbahan.

“We have mandated all the parish priests of the Diocese to disinfect their parochial churches and barangay chapels, to provide alcohol and sanitizer, and lay ministers to wear face masks,” ayon kay Bishop Santos.

Ayon kay Bishop Santos, tulad ng mga doctor, nurse at health workers- ang mga pari at kawani ng parokya ay nagsisilbing front-liners ng simbahan.

“I told my priests, that we, like them also be front-liners now before God for them. So, we have to open our Church, celebrate Holy Masses and pray for them. As they do their works, we should do our ministry: pray and celebrate the Sacraments. Yet, we take necessary precautions,” dagdag pa ng obispo.

Paliwanag ng obispo, mahalaga at kinakailangan ng bawat isa ang panalangin para sa paggabay ng Panginoon kaya’t mahalagang tulad ng mga health workers ay manatiling ring bukas ang mga simbahan at patuloy ang mga pari sa pagsasagawa ng mga sakramento tulad ng pagsasagawa ng banal na misa.

Ipinag-utos naman ng obispo ang pagpapaliban ng misa sa mga parokya at malakihang pagtitipon sa bayan ng Orani, Tapulao at Balanga makaraang may naiulat na nagpositibo sa COVID 19.

Pinapayuhan naman ng obispo ang mga matatanda ay may karamdaman na manatili na lamang sa kanilang bahay at makibahagi sa banal na misa sa pamamagitan ng live streaming.

Batay sa tala, mayroong 56 na mga pari ang Diocese ng Balanga na binubuo ng 38 na mga parokya na kumakalinga sa 650-libong katoliko.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 65,911 total views

 65,911 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 73,686 total views

 73,686 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 81,866 total views

 81,866 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 97,552 total views

 97,552 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 101,495 total views

 101,495 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,552 total views

 22,552 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,220 total views

 23,220 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top