Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 121,336 total views

Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng mga evacuee na lumikas. Dahil sa ilang araw na pag-uulan dulot ng bagyong Crising at masamang panahon na dala ng hanging habagat., lumubog sa tubig baha ang maraming lugar sa Metro Manila at karatig na lalawigan. Natuklasan na lahat ng flood control projects na pinopondohan ng bilyun-bilyong piso kada taon sa General Appropriations Act ay mga palpak at depekto.

Sabi ng pangulo sa mga sangkot., mahiya naman kayo! Palakpakan ang mga Senador, mga Kongresista, mga opisyal ng gobyerno, mga kontratista. Pumalakpak ang mga walanghiya., marami sa mga nagbunyi ay kasabwat sa iregularidad ng mga flood control project. Nangako na naman ang pangulo sa harap ng taumbayan., wala siyang sasantuhin. Napag-isipan kaya ng pangulong Marcos ang kanyang sinasabi?

Alam na ngayon ng Presidente ang mga kontraktor, mga opisyal ng DPWh, mga mayor., mga congressman na nagsabwatan sa mga depektibong flood control projects. Pero ayaw ng pangulong Marcos na isapubliko kung sino-sino ang mga ito. Bakit kaya? Wala ding marching order sa DOJ, sa Ombudsman na imbestigahan at kasuhan ang mga nagpasasa sa pera ng bayan? May ikinatatakot ba ang pangulo?

67 na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay sinasabi ni Senador Panfilo Lacson na kontraktor mismo ng kanilang proyekto na pinopondohan ng gobyerno simula pa noong 2023. May nagbulong daw kay Lacson, 50-proyekto ang sabay-sabay na ginagawa sa iisang lugar., nagkakahalaga ito ng 2.5-bilyong piso, pero ang kuwento., iisang back hoe lamang ang palipat-lipat na kunyari nagbubungkal. Walanghiya nga naman talaga!

Dahil medyo tumatahimik na ang alingasaw sa mga flood control project na nababalot ng korapsyon., to the rescue naman ang Mababang Kapulungan ng Kongreso. Binuo ang “tri-committee” na binubuo ng House committee on Public Accounts., Public Works at Good Government na siyang mangunguna sa imbestigasyon sa sinasabing anomalya sa mga flood control project sa buong bansa.

Sa ngayon, nakaantabay ang Kamara sa listahan ng lahat ng infrastructure project na sinasabing isusumite ng DPWH sa presidente ng Pilipinas. Saklaw daw ng imbestigasyon ang mga nakumpleto,hindi natapos, naantala, substandard at ghost projects.
Napabuntong-hininga ka ba Kapanalig, mag-iimbestiga ang Kamara, iimbestigahan nila ang 67-nilang (kabaro) o miyembro na baka kasapi pa sa tatlong kumite? Sabagay, in-aid of legislation lang naman.
Itinuturo ngayon ng Kamara si Senador Lacson at Baguio Mayor Benjamin Magalong na maglabas ng mga katibayan, magpatunay sa ibinunyag nilang katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan. OO nga naman, ang sinasabing burden of proof ay laging nasa “whistle blowers” .

Pero sino ba ang dapat, anong mga ahensiya ang trabaho ay mag-imbestiga at magpapataw ng parusa ng mga sangkot sa iregularidad? Bakit kaya walang kumikilos na ahensiya ng pamahalaan? Mayroon bang pumipigil sa mga ahensiya ng gobyerno na ito na magmasid lamang?

Kapanalig, ang kasamaan ay laging merong hangganan at kabayaran.

Nais nating ibahagi ay sinasabi ng “2 Corinthians 11:13-15– For such men are false apostles, deceitful workmen, disguising themselves as apostles of Christ. And no wonder, for even Satan disguises himself as an angel of light. So it is no surprise if his servants, also, disguise themselves as servants of righteousness. Their end will correspond to their deeds.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 217,642 total views

 217,642 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 247,866 total views

 247,866 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 274,510 total views

 274,510 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 369,483 total views

 369,483 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 376,422 total views

 376,422 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 217,643 total views

 217,643 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 247,867 total views

 247,867 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 274,511 total views

 274,511 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 369,484 total views

 369,484 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top