Pagpapastol, palalawakin ng bagong Obispo ng Ipil

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,286 total views

Tiniyak ni Ipil Bishop Glenn Corsiga ang patuloy na pakikilakbay sa pamayanan ng Zamboanga Sibugay.

Kasabay ng pagsisimula ng kanyang misyon bilang obispo ng diyosesis, kinilala ni Bishop Corsiga ang aktibong Basic Ecclesial Communities (BEC) sa lokal na simbahan sa lalawigan.

Sinabi ni Bishop Corsiga na palalawakin pa ang mga gawaing pagpapastol upang higit na mapatibay at mapagbuklod ang mananampalataya.

“Because the base of this church is the vibrant base of BEC, and I have already seen how BEC contributed to the ministries of the diocese, there are a lot of apostolates that we can still do to contribute to the life of the people and the improvement of faith communities existing in Ipil,” pahayag ni Bishop Corsiga sa Radyo Veritas.

Nagagalak si Bishop Corsiga sa pagsisimula ng kanyang gawaing pastoral sa diyosesis, katuwang ang humigit-kumulang 50 mga pari sa 26 na parokya, kasama ang mga relihiyoso at kalahating milyong katoliko sa lugar.

Binigyang diin din ng bagong obispo ng Ipil ang pagpapasigla sa simbahang sinodal, kung saan bukod sa mga mananampalataya sa kanyang nasasakupan, kakalingain din ang iba pang kasapi ng mga komunidad kabilang ang mga lumad, Muslim, at lalo na ang mga naisasantabi ng lipunan.

“I also look forward to walking with you, listening to your pleas and concerns, and leading as your shepherd to become a church that continues to journey in communion, participation, and mission,” ani Bishop Corsiga.

Pormal na niluklok si Bishop Corsiga sa cathedra ng St. Joseph the Worker Cathedral sa Ipil, Zamboanga Sibugay nitong August 14 sa ritong pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

Sa pagninilay naman ni Zamboanga Archbishop Julius Tonel, pinaalalahanan nito si Bishop Corsiga na bagamat bago sa naturang lugar, ay nanatiling kaisa at kapiling sa kalinga ng Mahal na Birhen del Pilar, ang patrona ng Zamboanga Peninsula.

Kasabay ng pagluklok ng obispo ay ang kapistahan ni St. Maximilian Kolbe, kaya’t hinimok ang bagong pastol ng Ipil na tularan ang mga gawi ng santo na isinasabuhay ang turo ni Hesus.

Noong July 29, inordinahan si Bishop Corsiga sa St. Catherine of Alexandria Cathedral Parish ng Diocese of Dumaguete.

Dumalo sa pagluklok kay Bishop Corsiga ang mahigit 30 mga obispo at opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na unang dumalo sa ordinasyon at pagluklok kay Bishop Ronald Anthony Timoner sa Diocese of Pagadian sa Zamboanga del Sur.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 21,710 total views

 21,710 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 72,394 total views

 72,394 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 78,523 total views

 78,523 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 107,935 total views

 107,935 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 125,504 total views

 125,504 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top