Isang gabi ng musika at sining, ihahandog ng Philippine Philharmonic Orchestra

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,980 total views

Ihahandog ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) ang isang gabi ng musika at sining sa konsiyertong pinamagatang “Symphonia Caeli” sa San Mateo, Rizal.

Gaganapin ito sa August 29, 2025, alas-7 ng gabi sa National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu, sa pamumuno ni Maestro Herminigildo Ranera, kung saan tampok din sa pagtatanghal ang mga kilalang mang-aawit na sina Gab Pangilinan at Mike Shimamoto.

Libre at bukas para sa lahat ang konsiyerto bilang bahagi ng outreach program ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na layong palaganapin ang pagpapahalaga sa sining at kultura, at dalhin ang mga ganitong pagtatanghal sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ang Symphonia Caeli ay inihahandog sa pakikipagtulungan ng CCP, ng Dambana ng Aranzazu sa pangunguna ng rektor at kura paroko Fr. Rodrigo Eguia, at ng Hermano Mayor 2025 Henri Andres-Macatangay.

Kabilang din ito sa patuloy na pagbubunyi para sa nalalapit na maringal at makasaysayang deklarasyon ng dambana bilang national shrine sa August 22, 2025, kasabay ng kapistahan ng Pagka-Reyna ng Mahal na Birheng Maria, na ang Banal na Misa sa ganap na alas-10 ng umaga ay pangungunahan ni Vatican Dicastery for Evangelization Pro-prefect Luis Antonio Cardinal Tagle.

Tema ng makasaysayang pagdiriwang ang “Dambana ng Pag-asa: Daan ng Peregrino kasama ang Birhen ng Aranzazu.”

Matatandaang sa 129th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong January 2025, isa ang Dambana ng Nuestra Señora de Aranzazu sa tatlong simbahan sa bansa na idineklarang national shrine.

Batay sa kasaysayan, nagsimula ang simbahan noong 1596 sa pamamagitan ng mga Agustinong misyonero, ngunit Agosto 29, 1659 nang maitayo ang parokya na itinalaga kay San Mateo Ebanghelista. Noong 1705, sinimulan ni Fr. Juan Echazabal, isang Heswita, ang debosyon sa Birhen ng Aranzazu.

Pinarangalan ang imahe ng Birhen ng Aranzazu ng Episcopal Coronation noong 2013 at Canonical Coronation noong 2017, na nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga at pagkilala rito ng Simbahang Katolika.

Idineklara naman noong July 17, 2004 ang parokya ng Nuestra Señora de Aranzazu bilang diocesan shrine—ang natatanging simbahan sa Pilipinas na nakatalaga sa Birhen ng Aranzazu at sister-parish ng Basilica of Aranzazu sa Spain.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 18,746 total views

 18,746 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 47,097 total views

 47,097 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 114,827 total views

 114,827 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 137,978 total views

 137,978 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 206,787 total views

 206,787 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top