Charter Change, hindi sinang-ayunan ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,290 total views

Hindi sang-ayon ang isang opisyal ng simbahan sa mungkahing muling buksan ang usapin ng pagbabago ng Saligang Batas bilang solusyon sa mga kinakaharap na mga problema ng bansa.

Ito ang pananaw ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs.

Nangangamba ang pari na maaring malihis ng usapin ng charter change mula sa mas mahalagang usapin ng bansa, kaya’t hindi naangkop na itulak ang pagsasaayos ng Saligang Batas.

“May not be the proper time to insert the issue of Con-Con when the country is already divided. Con-Con may only take away the focus from the more pressing needs of the country at the moment,” ayon kay Fr. Secillano.

Naniniwala ang pari na hindi malabo ang probisyon sa Konstitusyon, sa halip ay binabaluktot lamang ng ilang mga abogado na siyang nagpapahirap sa usapin.

Iginiit ng pari na madaling unawain ang mga probisyon ng Saligang Batas ng kahit hindi mga abogado.

Dagdag pa ng pari, “It’s a complicated solution to an otherwise simple provision that is easily understood by even a non-lawyer. It’s not the provision that’s vague. It’s the twisted logic of professed lawyers that make issues complicated.”

Una ng nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at ayusin ang 1987 Konstitusyon,

Giit ng kongresista, layunin nitong alisin ang matagal nang malalabong probisyon at mga pagkukulang na nagpapahina sa batas at sa tiwala ng taumbayan.

Partikular na tinukoy ng kongresista, ang magkakaibang pakahulugan sa salitang ‘forthwith’ gayundin ang umiiral na proseso sa pagpapanagot sa bise presidente.

Inamin naman ng mambabatas na hindi madali ang usapin ng Cha-cha lalo’t maraming agam-agam ang ilan, kabilang ang mga usapin ng term extension sa mga halal na opisyal ng gobyerno.

Sa kabila nito, naniniwala ang kongresista, na ang Konstitusyon bilang pangunahing batas ng bansa, ay dapat malinaw, matatag, at madaling maunawaanng hukuman, mambabatas, at lahat ng mamamayan na pinangangalagaan ang karapatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 84,711 total views

 84,711 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 107,870 total views

 107,870 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 129,144 total views

 129,144 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 292,887 total views

 292,887 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top