INC, hinimok ng SLP na manindigan sa katotohanan, katarungan at pagmamahal sa May 9, 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 922 total reads

Umaapela ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Iglesia ni Cristo na makibahagi sa paninindigan para sa katotohanan, katarungan at pagmamahal sa bayan para sa nakatakdang halalan sa May 9,2022.

Ayon kay Bro. Raymond Daniel Cruz, Jr. – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, kahanga-hanga ang buong pusong pagsunod at pagtugon ng mga kasapi ng I-N-C sa mga atas at tagubilin ng pamunuan tuwing panahon ng halalan sa bansa.
Sinabi ni Cruz na sa pamamagitan ng pagninilay at pananalangin ay ganap na manindigan ang pamunuan ng INC na pinangungunahan ni Ka Eduardo V. Manalo sa pagpili ng mga kandidatong tunay na magsusulong ng katotohanan at katarungan.

“Mga kapatid, nakita ko po kung papano kayo sumunod sa tagubilin ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo, hangang hanga po kami na kapag mayroong binibigay na atas ang inyong Iglesia ay talaga pong buong puso ninyong tinutugunan, naniniwala po kami na ito ay parte ng inyong pagmamahal sa Diyos, parte ng inyong pagmamahal sa Iglesia ni Cristo. Kaya po naman pinagdadasal po namin na hikayatin natin ang ating mga kasamahan at kung maaari ay talagang ipagdasal din natin ang pamunuan kasama na ang Ka Eduardo na talagang manindigan para sa katotohanan, manindigan para sa katarungan at pagmamahalan.” pahayag ni Cruz sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Cruz na mahalaga ang pagkakaisa ng bawat mamamayang Pilipino upang makapagluklok ng mga karapat-dapat na mga lider.

Umaasa si Cruz na gabayan at himukin ni Ka Eduardo ang lahat ng mga kasapi ng INC upang itaguyod ang kanilang paninindigan, konsensya at pagmamahal sa bayan sa sa pagpili at pagsusulong ng gobyernong tapat para sa bawat mamamayan.

Ang Iglesia ni Cristo na may tinatayang mahigit sa 3-milyong kasapi sa buong Pilipinas at iba’t ibang bansa ay kilala sa kanilang bloc voting tuwing halalan.
Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na una ng nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan ay ang nagsisilbing implementing-arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine – Episcopal Commission on the Laity na binubuo ng higit sa 50 organisasyon ng Simbahan at Council of the Laity mula sa may 86-na diyosesis sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,608 total reads

 5,608 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,246 total reads

 30,246 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,805 total reads

 70,805 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,286 total reads

 97,286 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 145,552 total reads

 145,552 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,266 total reads

 166,266 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,609 total reads

 5,609 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 9,212 total reads

 9,212 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top