Ingatan na ang isla ng Boracay, Panawagan sa mga Negosyante at Turista

SHARE THE TRUTH

 237 total views

Ikinatuwa ng Tourism Congress of the Philippines ang muling pagbubukas ng isla ng Boracay na itinakda sa ika-26 ng Oktubre.

Ayon kay Jose Clemente III, Pangulo ng TCP- kahit paano ay makakabalik na sa trabaho ang ilang mga manggagawa na umaasa sa umaasa sa isla makaraan ang anim na buwan nang ipasara ito noong Arril.

“Tayo’y natutuwa at yung ating mga kababayan na nawalan ng trabaho nitong nakalipas na buwan ay atleast unti-unti na po silang makababalik, mag umpisa ng hanapbuhay nila,” bahagi ng pahayag ni Clemente sa Radio Veritas.

Bagama’t hindi pa tuluyang naibabalik sa normal ang operasyon ng buong isla, nagpapatuloy naman ang pamahalaan sa pagsasagawa ng rehabilitasyon lalo na sa mga kalsada sa lugar.

Pakiusap ng TCP sa mga mamumuhunan sa isla na sundin ang mga polisiya at ordinansang ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasang muling masira ang Boracay at mapanatili ang kanilinisan dito.

“Iminumungkahi po natin doon sa mga may-ari ng establisimiyento ay sumunod po sila [sa polisiya],” dagdag pa nito.

Payo pa ni Clemente sa mga bibisita sa isla na tamasahin at alagaan ang kagandahan ng buong isla tulad nang magsimula pa ito at wala pang mga malalaking establisimiyento sa lugar na dahilan ng pagkasira sa karagatan sa isla dahil sa kapabayaan.

Hinimok ng TCP ang Department of Tourism na magtulungan sa pagdiskubre ng mga magagandang lugar sa bansa na paunlarin at maaring destinasyon ng mga turista na makatutulong din sa paglago ng Ekonomiya ng Pilipinas.

Batay sa tala ng DOT halos umaabot sa 8 milyon ang tourist arrivals sa kasalukuyan at patuloy itong madadagdagan bago matapos ang 2018.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika sa Boracay na tatalima ang mamamayan sa panawagang panatilihing malinis ang buong isla.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,634 total views

 8,634 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,278 total views

 23,278 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,580 total views

 37,580 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,356 total views

 54,356 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 100,895 total views

 100,895 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top