Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Opisyal ng Gobyerno, dapat magsilbing mabuting halimbawa sa publiko

SHARE THE TRUTH

 222 total views

Dismayado ang Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMIP) sa ipinakitang ugali sa paliparan ni ACTS-OFW Party-list Rep. Aniceto “John” Bertiz III na naging viral sa Social Media.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman CBCP-ECMIP, bilang kinatawan ng Overseas Filipino Workers (OFW) at Opisyal ng Bansa ay hindi katanggap-tanggap ang ikinilos ng mambabatas sa hindi pagsunod sa Security Protocol sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Our OFWs are known as honest, hardworking and very helpful. They abide the Laws of the Country, and respect their customs and culture. It is very disappointing and disgraced to see and to know that there are Government Officials whom represent them are not following simple instructions nor respecting rules for security reasons,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Giit ng Obispo, hindi lisensya ang titulo o ID ng mga opisyal ng Pamahalaan upang pagsilbihan at magkaroon ang mga ito ang espesyal na pribilehiyo kundi isang tanda sa kanilang posisyon bilang mga lingkod bayan na mapagpakumbabang tumutulong para sa kapakanan ng mga mamamayan.

“Their Government title or ID is not their license to be served nor to get perks, not for personal privileges. They are there in those positions to serve, to help and to labor; not to lord over others nor to feel superior,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Paliwanag pa ni Bishop Santos, dapat na mapanindigan ng mga opisyal ng bayan ang kanilang titulo na “Kagalang-galang” sa pamamagitan ng pagsisilbing bilang mabuting halimbawa bilang isang mabuting mamamayan na matapat, marangal at may kusa sa pagsunod sa mga ipinatutupad na panuntunan at batas.

“These Government officials must give good examples, and live to their title ‘your honor’ as to be also like our OFWs honest, Law abiding and dignified in their works,” ayon pa sa Obispo.

Naniniwala din si Bishop Santos na dapat na magsilbing aral para sa lahat ng mga opisyal ng bayan ang nangyaring ito upang kumilos ng may karangalan at naaangkop sa kanilang titulo bilang mga opisyal ang mga nasa katungkulan.

Tatalakayin naman ng House of Representatives Committee on Ethics and Privileges ang naging insidente kung saan makikita sa CCTV Footage ang hindi pagsunod sa Security Protocol at tila pang-haharass ni Rep. Bertiz sa isang Empleyado ng paliparan.

Kung mapatunayang lumabag ang mambabatas sa Code of Conduct for public officials, and for disorderly behavior ay maaring mapatawan ng 60-araw na suspension.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 5,973 total views

 5,973 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 23,957 total views

 23,957 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,894 total views

 43,894 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,090 total views

 61,090 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,465 total views

 74,465 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,118 total views

 16,118 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 21,406 total views

 21,406 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 28,201 total views

 28,201 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top