Huwag manatili sa loob ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 462 total reads

Lumabas tayo at makisangkot sa buhay ng ating mga kababayan.

Ito ang hamon ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, hindi lamang sa mga Pari kundi maging sa mga Relihiyoso at Relihiyosa, mga nagtalaga ng buhay at mga layko matapos ang paglulunsad ng proyektong Catholics in Manila noong unang araw ng Oktubre.

Ipinaliwanag ng Obispo na layunin ng “Catholics in Manila” na maipakita sa mga tao ang mukha ng Simbahang Katoliko na nakikipanayam sa mga Ordinaryong tao, lalung-lalo na sa mga nasa laylayan o mga dukha.

Sa ilalim nito lumilikha ng mga dokumentaryo ang Veritas Social Media na tampok ang iba’t-ibang gawain ng Simbahan at mga ordinaryong mananampalataya.

Sa paglulunsad ng proyekto, ipinakita sa Sambayanan ang gawain ng Diyosesis ng Kalookan na pagtatatag ng iba’t-ibang mga mission stations sa pinakamahihirap na lugar na nasasakupan nito.

Ang maliliit na espasyo, mga kuwarto at mga bodega ay nagsisilbing mga kapilya kung saan maaring magtipon ang munting pamayanan upang idaos ang mga banal na liturhiya gaya ng Misa, pag-aaral ng bibliya at feeding program.

Ang mga Mission Stations ay pinangangasiwaan ng iba’t-ibang Kongregasyon ng mga Relihiyoso at Relihiyosa.

Dito ipinakikita kung paanong binabago ng Simbahan ang tradisyunal na porma nito tungo sa isang anyo na kaisa ang mga dukha.

Naniniwala din si Bishop David na ang pagtatayo ng mga mission stations ay hindi kinakailangang dalhin sa malalayong lugar dahil mismong sa komunidad na ating kinabibilangan ay may mga mahihirap o mga nasa laylayan ng lipunan na napabibilang din sa laylayan ng Simbahan na kinakailangan abutin.

“Para sa’kin ang Mission Station, hindi naman yung malayong malayo, dati pag sinabing Mission Station kailangang pumunta ng Timbuktu ng India. No, they are just around you, parang yung madalas banggitin natin na mga taong nasa laylayan ng lipunan, nasa laylayan din pala sila ng Simbahan, hindi natin inaabot. Ang salita ng Diyos maraming hindi na aabot, pero pwedeng tayo ang mamagitan.” Pahayag ni Bishop David sa Radyo Veritas.

Sa kasalukuyan labindalawang Mission Stations na ang naitayo ng Diocese of Kalookan.

Umaasa si Bishop David na sa tulong ng iba pang mananampalataya ay maaabot ng Diyosesis ang kanilang layunin na makapagtayo ng 25 mission stations sa loob ng dalawang taon.

Catholics of Manila – Presents: Mission Station

Catholics of Manila
“Si Hesus sa laylayan ng lipunan”
Mission Station

Posted by Veritas846.ph on Monday, 1 October 2018

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,663 total reads

 27,663 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,714 total reads

 254,714 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,181 total reads

 148,181 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,211 total reads

 242,211 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 285,149 total reads

 285,149 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,160 total reads

 34,160 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,060 total reads

 27,060 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top