Pamahalaan, Hinamong saklolohan ang mga apektado ng pagtaas sa presyo ng bilihin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,627 total reads

Inihayag ng isang pari na nararapat mabigyan ng hanapbuhay ang mamamayan lalo na ang mahihirap.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, ito ay upang matulungan ang mga Filipinong labis na naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ibinahagi ng Pari ang katotohanan na limitado ang kapasidad ng mga mahihirap sa pagbili ng mga pangkaraniwang pangangailangan dahil sa napakataas na presyo nito bunsod ng maliit na kinikita.

“Unang – una kailangan i-capacitate ang mga mahihirap, mabigyan sila ng trabaho. Definitely yung mga mahihirap ang apektado ng price hike, lalabas nito na limited na ang kanilang capacity to procure yung mga commodities lalo pa itong mapapahina yung kanilang kapasidad na makabili ng mga pangangailangan nila sa araw-araw.” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Sa pag-aaral ni University of the Philippines School of Statistics Dean Dennis Mapa, ang pagpapataw ng 3 pisong buwis sa langis na ginagamit sa transportasyon ng mga tao at kalakal ay nagpapataas ng Inflation ng halos isang porsiyento sa mga mahihirap sa lipunan.

Ipinaliwanag ni Fr. Secillano na tanging magagawa ng Simbahan ay ang pagbibigay ng libreng pagsasanay at paghahatid ng mga programang pangkabuhayan bilang pagtugon sa pangangailangan ng tao dahil ang usaping pang ekonomiya ay nangangailangan ng isang dalubhasa sa nasabing larangan.

Sa pangkabuuang turo ng Simbahang Katolika ay mahalagang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat indibidwal lalo na ang mahihirap kabilang na dito ang pagtataguyod sa dignidad at karapatan ng tao kung saan napapaloob ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tirahan.

Samantala, nais ng Department of Energy na amyendahan ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law upang suspendihin ang muling pagpataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo upang maibsan ang pagtaas ng presyo ng langis na nakakaapekto sa presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa.

Unang nagpahayag ng pagtutol ang Simbahang Katolika sa pagsasabatas ng TRAIN Law sapagkat apektado nito ang buong sambayanan lalo na ang mga mahihirap at walang sapat na pinagkakakitaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 29,381 total reads

 29,381 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 256,299 total reads

 256,299 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 149,766 total reads

 149,766 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 243,796 total reads

 243,796 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 286,648 total reads

 286,648 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top