Walang kaunlaran kung may nasasakripisyong buhay

SHARE THE TRUTH

 512 total views

Iginiit ng isang pari na hindi matatawag na maunlad ang isang bayan kung nasasakripisyo ang mamamayan.

Ito ang tugon ni Rev. Fr. Edwin Gariguez, Executive Secretary ng CBCP NASSA/Caritas Philippines kaugnay sa pahayag ni Senator Francis Escudero na malaki ang epekto sa inflation ng pagsuspende ng Department of Natural Resources sa quarry operations sa bansa.

“Ang kaunlaran ay hindi masasabing kaunlaran kung ang mga tao ay nagsasakripisyo. Hindi natin pwede isakripisyo ang mga tao, lalo ang mga mahihirap para lamang sa kikitaing pera.” pahayag ni Fr. Gariguez sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na mahirap isagawa ang responsableng pagmimina lalo dito sa Pilipinas na maging sa mga kabundukan ay may naninirahan tulad ng mga katutubo.

Sa pahayag ni Senator Escudero, ang pagsuspende sa quarrying ay magdudulot ng pagtaas ng presyo sa mga construction materials na makakaapekto sa Build Build Build Program ng Gobyerno.

Ang ipinatupad na suspension sa mga minahan at quarry sites ay kasunod ng mga pagguho ng lupa sa Itogon Benguet at Naga City sa Cebu na ikinasawi ng higit sa isandaang indibidwal habang marami ang nasugatan.

Paalala ni Fr. Gariguez sa mga mamumuhanan sa pagmimina at quarry na isaalang-alang ang kapakananan at karapatan ng kalikasan, maging ang mga taong nanganganib dahil sa banta ng pagkasira ng mga kabundukan.

Dahil dito, inilunsad ng Philippine Misereor Partnership Incorporated katuwang ang CBCP – NASSA/Caritas Philippines ang Rights of Nature Campaign na layong paigtingin ang kamalayan ng mamamayan sa karapatan ng kalikasan at protektahan ito sa mapanirang mga indibidwal.

Sa ensiklikal ng Kaniyang Kabanalan Francisco na Laudato Si, binigyang diin dito na tungkulin ng tao ang pangangalaga sa kalikasan upang ito ay mapapakinabangan ng susunod pang henerasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,925 total views

 2,925 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,735 total views

 40,735 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,949 total views

 82,949 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 98,482 total views

 98,482 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,606 total views

 111,606 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,917 total views

 14,917 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top