VeritasPH

The Word, The Truth

Higit sa pagdiriwang ng kultura ng mga katutubo

SHARE THE TRUTH

 1,323 total views

Mga Kapanalig, ano ang unang sumasagi sa isip ninyo kapag sinabi ang salitang “katutubo”? Marahil, para sa ilan sa ating lumaki at sanáy sa buhay sa lungsod, ang mga “katutubo” ay ang mga kababayan nating malayo sa kabihasnan at may primitibong pamumuhay, kaya naman nagiging tampulan sila ng tukso, at maliit at mababa ang tingin sa kanila. Dapat nang mabura ang ganitong pananaw tungkol sa kanila.

Sa bisa ng Proclamation No. 1906 na nilagdaan ni dating Pangulong Arroyo noong 2009, ipinagdiriwang natin tuwing Oktubre ang National Indigenous Peoples Month. Layunin ng deklarasyong imulat tayo sa karapatan ng mga katutubo at panatilihing buháy ang mga tinatawag na indigenous cultural communities. Ngayong taon, gaganapin sa probinsya ng Capiz ang “Dayaw” o ang Philippine International Indigenous Peoples’ Festival, ang taunang pagsasama-sama ng mga katutubong mula sa mahigit 40 ethnolinguistic groups sa bansa. Sa tatlong araw na komperensyang iyon, itatanghal ang yaman ng kultura ng mga katutubo at tatalakayin ang mga isyung kinakaharap nila. Mahalaga ang pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month upang makita at maunawaan natin ang natatanging ambag ng mahigit 14 na milyong katutubo sa ating kultura at kaunlaran.

Gayunman, sa kabila ng ganitong mga pagdiriwang at ng pagkakaroon natin ng Indigenous Peoples’ Rights Act na naisabatas noong 1997 upang itaguyod ang karapatan ng mga katutubo, marami pa rin sa kanila ang dumaranas ng pagsasantabi at pang-aabusong yumuyurak sa kanilang dignidad. Nariyan ang panghuhusga at diskriminasyon dahil sa kanilang itsura, paniniwala, at antas ng pamumuhay. Patuloy din ang militarisasyon sa kanilang mga komunidad bunsod na rin ng pagtugis ng pamahalaan sa mga rebeldeng grupo. Biktima rin ang mga katutubo ng malalaking korporasyong kumakamkam sa mga ancestral lands. Dahil naman sa pagkasira ng kalikasang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan, marami sa mga katutubo ang kapos sa buhay at nakararanas ng gutom.

Mga Kapanalig, itinataguyod natin ang angking dignidad ng mga kababayan nating katutubo kapag kinikilala, iginagalang, at ipinagtatanggol natin ang kanilang mga karapatan sa lahat ng pagkakataon, hindi lamang sa Indigenous Peoples Month. Itinuturo sa atin ng Simbahan na, una sa lahat, ang mga katutubo ay katulad nating nilikhang kawangis ng Diyos. Iisa ang dignidad ng tao sa harap ng Diyos at sa harap ng kapwa-tao. Ito ang pinakamatibay na pundasyon kung bakit pantay-pantay ang lahat—katutubo man o hindi.

Dahil din sa kanilang angking dignidad, marapat na maging makatarungan tayo sa mga katutubo. At bahagi ng pagiging makatarungan sa kanila ay ang paggalang sa kanilang mga paniniwala at tradisyon, kaiba man ito sa mga nakagisnan natin. Ayon nga kay St. John Paul II, ang ating pagkakaiba-iba ay bahagi ng patuloy na paglikha ng Diyos at dapat natin itong igalang.Hindi special treatment ang kailangan ng mga katutubo dahil sa kung anuman ang nagpapaiba sa kanila sa karamihan. Ang kailangan nila ay pantay na karapatan sa pagkamit ng mabubuting bunga ng kaunlaran—gaya ng edukasyon, sapat na pagkain, malinis na tubig, serbisyong pangkalusugan, at katiyakan sa paninirahan. Mula sa lente ng pananampalatayang Kristiyano, magagawa nating maging makatarungan sa mga katutubo kung tunay ang pagsunod natin kay Hesus na bumuwag sa lahat ng pagkakaiba-iba ng tao nang ialay Niya ang kanyang buhay alang-alang sa kaligtasan ng lahat.

Mga Kapanalig, ang mga katutubo ang nagsisilbing bintana natin sa pinagmulan ng ating lahi, kaya’t hindi katanggap-tanggap na ituring natin silang mas mababa sa atin. Mali rin ang hindi maging makatarungan sa kanila sa pamamagitan ng pagkakait sa kanila ng kaunlarang tinatamasa ng iba. Alalahanin nating sa kabila ng mga pagkakaiba natin ay ang katotohanang nagmula tayong lahat sa pag-ibig ng Dakilang Maylikha, at ito ang dapat mag-udyok sa ating kilalanin ang mga katutubo bilang ating mga kapatid.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,961 total views

 8,961 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,946 total views

 16,946 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,482 total views

 24,482 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,467 total views

 40,467 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,511 total views

 48,511 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 8,962 total views

 8,962 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 16,947 total views

 16,947 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 24,483 total views

 24,483 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 40,468 total views

 40,468 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 48,512 total views

 48,512 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,762 total views

 45,762 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,187 total views

 44,187 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,973 total views

 45,973 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,898 total views

 42,898 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,212 total views

 57,212 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,902 total views

 60,902 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,505 total views

 59,505 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,492 total views

 69,492 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,460 total views

 73,460 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,347 total views

 84,347 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top