Hog raisers, Tiniyak ang sapat na supply ng baboy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 400 total reads

Pagpapalakas sa sektor ng mga nag-aalaga ng baboy ang layunin ng isinasagawang pagtitipon ng Agrilink ngayong taon.

Ayon kay Edwin Chen, Pangulo ng Pork Producers Federation of the Philippines Incorporated at tumatayong Chairman ng Agrilink Convention 2018, pinagtutuunan ng pansin ng Agrilink ang pagpapalago sa produksyon ng karne ng baboy upang matulungan ang mga hograisers sa Pilipinas.

“Pinakamalaking agri – event ito sa ating bansa na ang focus ngayon na commodity ay pork o ang hog raising.” pahayag ni Chen sa Radio Veritas.

Batay sa tema na EFFICIENT VALUE CHAIN IN THE HOG INDUSTRY: A MUST FOR CONTINUED GROWTH, pauunlarin dito ang produksyon ng baboy mula sa mga nag-aalaga hanggang sa mga bumibili ng karne sa mga pamilihan.

Ipinaliwanag ni Chen na ang pagtaas sa presyo ng karne sa mga pamilihan ay dahil sa maraming dadaanan mula sa mga magsasaka bago maibenta sa mga mamimili.

Bibigyang pansin sa Agrilink Convention ang mga proseso na magpapabilis sa paghatid ng produktong baboy sa mga konsyumer.

Tampok dito ang Exhibit ng iba’t ibang produkto, pagbabahagi ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang eksperto sa larangan ng hog raising, at pagpapakilala ng mga teknolohiyang makatutulong sa pagpapalago ng hog industry.

Ito na ang ika-25 taon ng Agrilink na magsagawa ng 3 araw na pagtitipon sa World Trade Center Manila na magtatapos sa ika – 6 ng Oktubre.

Samantala, ibinahagi ni Chen na sapat ang suplay ng karne ng baboy sa Pilipinas at iginiit na ang inaangkat na karne ay para sa mga meat processed products lamang.

Panawagan ng grupo sa pamahalaan na ang taripa sa pag-angkat ng mga karne ay dapat gamitin sa pagtulong sa mga maliliit na hograisers sa bansa na 65 porsiyento sa kabuuang 1.7 milyong bilang ng mga nag-aalaga ng baboy.

Sa panig ng Simbahan dapat isaalang-alang ng estado ang pagpapahalaga sa bawat sektor ng lipunan at tiyakin na walang naisasantabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 2,696 total reads

 2,696 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 33,971 total reads

 33,971 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 113,795 total reads

 113,795 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 208,021 total reads

 208,021 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 268,444 total reads

 268,444 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,696 total reads

 37,696 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top