Kahirapan,EJKs at kapayapaan, ipinagdarasal ni Cardinal Quevedo

SHARE THE TRUTH

 257 total views

Ipinanalangin ni Cotabato Archbishop Cardinal Quevedo ang mga mananampalataya at ang pagdaraos ng Catholic Educational Association of the Philippines National Convention 2018 upang patuloy na makamit sa buong bansa ang paghilom mula sa Panginoon.

Ipinaliwanag ni Cardinal Quevedo na sa ilalim ng tema ng pagtitipon ngayong taon na Sanctificatio: Brokenness to Blessedness, ay maraming pagsubok at paghihirap na pinagdaraan ang buong bansa.

Tinukoy ng Kardinal ang patuloy na pagtindi ng kahirapan sa bansa, ang paglaganap ng Extra-Judicial Killings, usapin ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao.

“We pray that with the collaboration of the Church, the drug war can be conducted without its negative characteristics – Extrajudicial killings and secondly that the Church and the Government will colaborate also in the rehabilitation of lives, the lives of those affected by the drug menace. And thirdly, Church and government would collaborate also with peace and development not only in Mindanao but also in the country. And I think that Church is also doing its work already.” pahayag ni Cardinal Quevedo sa Radyo Veritas.

Tiniyak ni Cardinal Quevedo na aktibo ang Simbahan sa mga usaping panlipunan na ito kaya kinakailangan ang patuloy na pagsusulong nito upang sa huli ay makamit ng buong bansa ang paghihilom na mula sa pagpapala ng Diyos.

Kabilang sa mga tinatalakay ngayong taon sa concurrent sessions ng CEAP National Convention ang naturang usapin upang imulat sa mga bumubuo ng bawat paaralan sa nararapat na pagtugon.

Samantala, umaasa naman ang Pangulo ng CEAP na si Father Joel Tabora, SJ na maisasabuhay ng mga delegado ng CEAP ang temang “Brokenness to Blessedness”.

Sinabi ni Father Tabora na inaanyayahan ng Santo Papa ang bawat mananampalataya na mabuhay ng may kabanalan at bahagi na nito ang pagpapanatili ng maayos na pagpapatakbo sa mga katolikong paaralan.

Aminado si Father Tabora na nasa mahirap na kalagayan ngayon ang mga Catholic Schools matapos bumaba ng 86% ang bilang ng kanilang mga enrollees sa Higher Education Institutions (HEIs).

Batay sa pinagkumparang datos noong unang semester ng School Year 2015-2016 at unang semester ng School Year 2018-2019.

Ito ay bunsod ng implementaryon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act o R.A. 1093.

Bukod dito, marami din sa kanilang mga guro ang lumilipat na sa pampublikong paaralan.

“Our schools have very very many challenges today, challenges in keeping our teachers in the state policies, as it were pirating our Teachers, the skewed implementation of RA10931 were many many of our schools have lost their enrollment. It’s in this context that the Pope is saying look into the running of your schools no matter what the problems you have, no matter what the difficulties that you have, perhaps there is holiness in staying with it and continuing to fight for your schools and continuing to render the service that is so important to the Philippine Youth specially the Philippine Catholic youth.” Pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Sa kabila nito, positibo pa rin ang pananaw ni Father Tabora na magkakaroon ng maayos na implementasyon ang pamahalaan kung saan tanging napatunayang mahihirap at karapat-dapat na mag-aaral lamang ang mabibigyan ng libreng edukasyon sa ilalim ng R.A. 1093.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIVATIZATION

 174 total views

 174 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 21,198 total views

 21,198 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 40,170 total views

 40,170 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,834 total views

 72,834 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,844 total views

 77,844 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 158,238 total views

 158,238 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 102,084 total views

 102,084 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top