Pagsapubliko ng AFP sa mga paaralan na sangkot sa Red October plot, magdudulot ng takot.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432 total views

Lilikha lamang ng takot at pangamba sa Publiko ang inilabas na listahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga Paaralan at Unibersidad sa ‘Red October’ plot.

Ito ay kaugnay na rin sa recruitment ng makakaliwang grupo sa mga estudyante para makibahagi sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bro. Armin Luistro, FSP, Pangulo ng Dela Salle University, ang alegasyon ng AFP ay maaring magdulot ng pangamba sa mga magulang at mga estudyante sa mga paaralan.

“Ang ginagawa naman usually kapag ganiyan, merong kang mga lider sa mga pamantasan di ba kinakausap mo kaagad yung mga pamunuan niyan. Sabi nila may mga parents na concern ‘yan ang kailangan dinadala nila dun sa mga universities para mapakinggan,” ayon kay Luistro sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng dating kalihim ng Edukasyon na dapat ay nakipagpulong muna ang AFP sa mga pinuno ng mga binabanggit nilang paaralan.

“I’m sure the University officials are very willing to listen to those. Kung ilalabas, anong magagawa nyan kung meron kang impormasyon lalu na’t unverified tapos ilalabas mo sa media, ano yun para panakot lang? kung gusto nating solusyunan kausapin natin makipag-dialogue tayo sa mga University Officials,” ayon pa kay Luistro.

Sa ulat ng AFP, labing walong Unibersidad kabilang na ang Katolikong paaralan na University of Santo Tomas at Dela Salle University na sinasabing ginagamit na lugar ng mga makakaliwang grupo para manghikayat ng kabataan.

“Ano ba ang ipinaglalaban ng tinatawag nilang komunista? Hindi lahat ng bumabatikos sa Gobyerno o kritikal ay Komunista, lumang tugtugin na ‘yan,” dagdag pa ni Luistro.

Una na ring binibigyang halaga ng Santo Papa Francisco ang tungkulin ng mga katolikong paaralan sa paghuhubog ng mga kabataan para sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 41,505 total views

 41,505 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 116,119 total views

 116,119 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 196,198 total views

 196,198 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 239,337 total views

 239,337 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 237,931 total views

 237,931 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top