Paggamit sa mga imahen ng Santo sa iligal na gawain, Kinondena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 431 total reads

Mariing kinundena ng Simbahang Katolika ang paggamit ng imahe ng mga Santo sa masamang gawain.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication, ito ay kalapastanganan sa pananampalatayang Katoliko.

Ito ang reaksyon ng Obispo kaugnay sa nadiskubreng iligal na droga sa likod ng imahe ng Mahal na Birhen na ipinuslit sa Ninoy Aquino International Airport.

“Sana hindi gamitin ang mga bagay sa ating Simbahan tulad ng mga Santo para gumawa ng masama.” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Nanawagan ang Obispo na iwasan ang mga masasamang gawain tulad ng pakikisangkot sa iligal na droga.

Batay sa ulat ng Bureau of Customs, nakumpiska ang nasabing frame ng Mahal na Birhen sa Ninoy Aquino International Airport kung saan isiniksik sa likurang bahagi ang mga shabu.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapena, sinasamantala ng mga sangkot sa iligal na droga ang mga Filipino dahil higit sa 80 porsiyento dito ay mga Katoliko.

Binigyang diin ni Bishop Vergara na dapat palakasin ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen lalo’t ang buwan ng Oktubre ay tinaguriang buwan ng Santo Rosario kung saan pinararangalan ang Mahal na Ina.

“Ngayon po ay buwan ng Oktubre at ating pinaparangalan ang Mahal na Birhen ng Santo Rosario, sila’y paalala sa atin na tayo po ay magdasal at sila ang naging daan din na lalong tumibay ang ating pananampalataya sa Diyos lalo na ang Panginoong Hesus.” dagdag ng Obispo.

Sa kabuuan aabot sa higit 15 milyong piso ang nakumpiskang iligal na droga na nakasilid sa iba’t ibang mga produkto kabilang ang nasa larawan ng Mahal na Birhen.

Bagamat suportado ng Simbahang Katolika ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, nanindigan itong hindi wasto ang pamamaraan nitong paslangin ang mga sangkot sa iligal na gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 3,923 total reads

 3,923 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 92,097 total reads

 92,097 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 138,836 total reads

 138,836 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 186,708 total reads

 186,708 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 290,585 total reads

 290,585 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top