Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatanggol ng mga opisyal sa kamalian ng Pangulong Duterte, pagpapakita ng pagkaganid sa puwesto

SHARE THE TRUTH

 308 total views

Ang tuwirang pagtatakip at pagtatanggol ng mga opisyal ng Administrasyong Duterte sa mga kontrobersyal na pahayag ng Pangulo ay nagpapakita sa personal na interest sa kanilang posisyon.

Ito ang inihayag ni Promotion of Church Peoples Response (PCPR) Spokesperson Nardy Sabino kaugnay sa pagtatanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque at iba pang opisyal ng Administrasyon sa mga kontrobersyal na pahayag ng Pangulo.

Ipinaliwanag ni Sabino na ang pagtatanggol o pagpapalusot ng mga opisyal sa mga naging pahayag o ginawa ni Pangulong Duterte ay maituturing na senyales ng pagkaganid sa posisyon.

“Iyon ang tawag dun mga ‘palusot’, palusot na habang umaamin na nga ang Pangulo, habang nagsasalita na siya ng ginawa niya itong kanyang mga tagapag-salita dahil sa kanyang interes na manatili sa kapangyarihan ay natatakot sila. Kapag natanggal ang Pangulo, matatanggal din sila sa pwesto, so silang mga nagpapalusot ay gagawin ang lahat para lamang pagtakpan yung Presidente.” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, kapwa ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque at Chief Presidential Counsel Salvador Panelo si Pangulong Duterte mula sa naging pahayag nito sa kanyang kasalanan kaugnay sa Extra Judicial Killings.

Habang magkakaiba rin ang naging pahayag ni Roque, Special Assistant to the President Bong Go at ng mismong Pangulo kaugnay sa kanyang muling pagpapa-ospital sa Cardinal Santos Medical Center kamakailan lamang.

Iginiit ni Sabino na dapat maging matapat ang mga opisyal ng bayan kaugnay sa tunay na kalagayan ng lipunan at hindi ikubli ang anumang impormasyon para sa kaalaman ng mamamayan na nagtiwala at naghalal sa kanila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,032 total views

 34,032 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 56,864 total views

 56,864 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,264 total views

 81,264 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,165 total views

 100,165 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 119,908 total views

 119,908 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 24,554 total views

 24,554 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Scroll to Top