Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano, panawagan ng Papal Nuncio sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 492 total views

Hinimok ng kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Pilipinas ang mga Filipino na patuloy ipalaganap ang biyaya ng pananampalatayang tinanggap 500 taon ang nakalipas.

Ayon kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ito ang patuloy na paanyaya ng Panginoon sa bawat isa upang maging makabuluhan ang kristiyanismong tinanggap ng mga Filipino.

“Five hundred years after the first Mass was offered in this archipelago, the Church in the Philippines is invited anew to ‘go forth’ and become a community of authentic missionary disciples,” mensahe ni Archbishop Brown.

Ang pahayag ng nuncio ay kaugnay sa paggunita sa unang makasaysayang misa sa bansa na naganap sa Limasawa Island sa Leyte noong Marso 31, 1521.

Binati rin ni Archbishop Brown ang Diyosesis ng Maasin sa pangunguna ni Bishop Precioso Cantillas sa pagtitipon upang pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng pananampalataya.

Binigyang diin ng kinatawan ng Santo Papa na sa bawat pagdiriwang ng eukaristiya ay inaanyayahan ni Hesus ang bawat binyagan na ipalaganap sa sangkalupaan ang mga salita ng Diyos bilang pagbabahagi ng kaloob na kristiyanismo.

“The love of Christ, made present in every celebration of the Holy Mass, impels us to proclaim the Gospel we have received to all the world. It is in this sharing of the gift of faith with others that we can best express our thanksgiving to God who has loved us through His Son, Our Lord Jesus Christ, who suffered, died and rose again from the dead,” ani ng arsobispo.

Nakatakda si Archbishop Brown na manguna sa paggunita sa unang misa sa Limasawa Island subalit ipinagpaliban dulot ng mga limitasyon bunsod ng coronavirus pandemic. Sa halip nagpaabot ng pagbabasbas ang nuncio sa pamamagitan ni Bishop Cantillas sa mananampalatayang dumalo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 13,814 total views

 13,814 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 27,250 total views

 27,250 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 43,946 total views

 43,946 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 54,761 total views

 54,761 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top