7,370 total views
Umaapela AMIHAN Woman’s Peasant Group (AMIHAN) at BANTAY BIGAS sa pamahalaan na dinggin ang hinaing ng mga manggagawa sa wastong pasahod.
Ayon kay Cathy Estavillo – secretary general ng grupo, tuwing ika-18 ng Setyembre ay ginugunita ang International Day of Equal Pay’ na bigong maipatupad ng mga nagdaang administrasyon.
Bukod sa pagsusulong ng pantay na suweldo para sa mga kababaihang manggagawa, ipinapanawagan din ng grupo ang iisang national minimum wage sa bansa.
“Patuloy nating sinisingil ang gobyerno sa pagiging inutil na ipatupad ang Equal Pay, despite na mayroon na tayong signatory sa ILO (International Labor Organization) at (United Nations – Women) UN Women mandates, higit sa lahat para sa kababaihan, pero sa realidad, hindi makatarungan ang pinapasahod sa ating mga manggagawa, malayo sa kahilingan sa nakabubuhay na sahod o ayon sa mga pag-aaral ng Ibon Foundation,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Estavillo sa Radio Veritas.
Sa pag-aaral ng IBON foundation, nararapat ay 1,200-pesos ang family living wage upang makapamuhay ng may digdinad ang mga manggagawa at pamilyang sinusuportahan.
Ibinahagi din ni Estavillo ang patuloy na kahirapang nararanasan ng mga kababaihang magsasaka na dapat tulungan ng pamahalaan.
Ayon sa United Nations, ang ‘International Day of Equal Pay’ ay ginugunita upang maisulong ang pagpapatupad ng pantay na suweldo ng mga kababaihan at kalalakihan sa mundo.
Patuloy naman ang pakikiisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Women sa pagsusulong ng ikakabuti ng kalagayan ng mga kababaihang manggagawa.