147 total views
Bukas ang Department of Environment and Natural Resources sa mga investors na may pagmamahal sa kalikasan at malasakit sa tao.
Ito ang inihayag ni Environment Secretary Gina Lopez sa pangamba ng maraming mga investors sa Pilipnas na ipasara din ng D-E-N-R ang kanilang negosyo.
Ipinaliwanag ni Lopez na walang dapat ipangamba kung ang negosyo ng mga dayuhan ay hindi makasasama sa kalikasan at hindi magpapahirap sa mga Filipino.
“We want investments that will help us, like investments in our biodiversity, investments which will pay our people well. We welcome investments in area development where they can make money, but they are helping everybody else improve also.”pahayag ni Lopez
Gayunman, binantaan nito ang mga dayuhan na nagpapasasa sa likas na yaman ng bansa na isinasantabi ang kapakanan ng mamamayan.
Batay sa pag-aaral sa ilalim ng industriya ng pagmimina, 82 porsyento ng kita o net revenue ay napupunta sa investor habang 95 porsyento ang nawawala sa local na ekonomiya.
Pinuri naman ng mga Obispo ang matapang na paninindigan ng kalihim ng DENR sa tunay na gampanin ng ahensyang dapat na nangangalaga sa kalikasan.
Sinabi ni Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez na bilang bahagi ng isang mining affected community, labis na ang paghihirap na kanilang dinanas kaya “very good” ang ipinamamalas ng D-E-N-R.
“Mining is always destructive weather it’s small scale or big scale, as a matter of fact dito sa amin ang most destructive ay small scale,” dagdag pa ni Bp. Gutierrez.
Una nang kinondena ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mapanirang gawain na pagmimina dahil nag iiwan ito nng pangmatagalang pagkasira sa kalikasan at paghihirap ng mamamayan.