Isabela Rep.Faustino Dy III, hinirang na ika-29 House Speaker

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,874 total views

Pormal nang itinalaga bilang Speaker of the House si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang kapalit ng nagbitiw na si Leyte Rep. Martin Romualdez ngayong araw, Setyembre 17 bilang pinuno ng Kamara de Representantes.

Sa botong 253 , 28 abstention at apat ang hindi nakaboto hinirang si Dy bilang ika-29 na pinuno ng House of Representatives ng 20th Congress.

Ang pagbibitiw ni Romualdez ay nag-ugat sa nabulgar na katiwalian, partikular ang maanomalyang flood control projects na kasalukuyang iniimbestgahan ng Kamara at Senado.

Sa kabila ng walang direktang kaugnayan laban sa dating pinuno ng Kamara, kabilang si Romualdez at Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa binanggit ng mag-asawang kontratistang sina Pacifico at Sarah Discaya ng St. Gerrard Construction sa isinagawang imbestigasyon sa Senado.

Si Co, ay nagmamay-ari ng Sunwest Construction and Development Corporation, isa sa 12 construction company na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng pinakamaraming proyekto sa Department of Public Works and Highways, gayundin ang ilang kompanya ng mga Discaya na ang ilan ay mga ghost at substandard flood control projects.

Sa pagdinig naman sa House InfraCom, pinangalanan naman ng ilang opisyal ng DPWH sina Sen. Jinggoy Estada at Sen Joel Villanueva na tumatanggap ng kickback, partikular sa mga flood control projects sa Bulacan.

Habang inamin din ng isang contractor ang pagbibigay ng campaign funds na nagkakahalaga ng P30 M kay Sen. Francis Escudero na hindi naman itinanggi ng mambabatas..

Bago ang pagbibitiw ni Romualdez, una na ring kinumpirma ni House Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno, ang pagbaba sa puwesto ni Romualdez na inirekomenda ang pagsuporta sa mga kapwa mambabatas kay Dy bilang kaniyang kahalili.

Sa September 21, kasabay ng paggunita ng ika-53 anibersaryo ng Marial Law gaganapin ang malawang kilos protesta laban kontra katiwalian na gaganapin sa Edsa People Power Monument at Luneta sa Maynila.

Ang ‘A Trillion Peso March’ na gaganapin sa EDSA ay inorganisa ng Church Leaders Council for National Transformation (CLNT) na pinamumunuan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng Caritas Philippines kasama ang iba’t ibang mga grupo mula sa simbahan at civil society.

Ang koalisyon ay binubuo ng faith comunities kasama na ang Roman Catholic Church, National Council of Churches in the Philippines, Philippine Council of Evangelical Churches, Muslim communities, at Indigenous Peoples.

Ang pagkilos ay isang mapayapa at panalanging pagtitipon upang ipahayag ang galit ng sambayanang Pilipino laban sa malawakang katiwalian kaugnay ng trilyong pisong pondo para sa flood control sa nakaraang sampung taon—na iniuugnay sa mahigit 2,000 pagkamatay at libo-libong nawalan ng tirahan.

Hinihikayat ang mga nais na dumalo na magsuot ng puti at magdala ng payong bilang pananggalang sa ulan at init ngg araw.

Bukod sa pagtitipon sa Metro Manila, ilang mga lalawigan din ang magsasagawa ng kaparehong pagkilos bilang pagkondena sa katiwalian.

Bukod sa inilabas na pastoral statement ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na may titulong “True Justice Demands More Than Punishment,” naglabas din ng pagkondena ang ilang obispo kabilang na si Cebu Archbishop-designate Alberto Uy, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villeggas, San Jose Bishop Gerardo Almina, at Antipolo Bishop Ruperto Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,015 total views

 28,015 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 201,949 total views

 201,949 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 179,582 total views

 179,582 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 242,687 total views

 242,687 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 260,415 total views

 260,415 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top