Prayer and Indignation rally, isasagawa ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,148 total reads

Nanawagan si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa mga mananampalataya na makiisa sa nakatakdang Prayer and Indignation Rally sa bikaryato bilang pagkundina sa laganap na katiwalian sa pamahalaan at lipunan.

Sa pangkalahatang paanyaya ng Obispo na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) -Episcopal Commission on Mission ay iginiit nito na ang sistematikong korapsyon o katiwalian na nagaganap sa bansa ay isang malalim na kasalanang moral at tahasang paglabag sa ika-pitong utos ng Diyos na “Huwag kang magnanakaw.”

Ayon sa Obispo, dapat na magsama-sama ang lahat sa pananalangin at pagkundina sa patuloy na pagnanakaw sa kaban ng bayan na isang moral na kasalanan hindi lamang sa batas ng tao kundi maging sa batas ng Diyos.

“Our nation finds itself at a pivotal juncture. The prevalent systemic corruption within our government and society is intolerable. It is imperative that we articulate our justified outrage and advocate for substantial change, just as we seek accountability from those whom we have entrusted with public service. Corruption embodies a profound moral transgression, as denoted by the Seventh Commandment (Thou shalt not steal!). Consequently, we must collectively embrace our duty to denounce such moral depravity.” Bahagi ng paanyaya ni Bishop Mesiona.

Nakatakda ang “Pagpapahayag ng Pagkadismaya: Itigil ang Korapsyon!” Prayer and Indignation Rally ng bikaryato sa ika-21 ng Setyembre, 2025 mula alas-kwatro y medya ng hapon hanggang alas-sais y medya ng gabi sa Seminario de San Jose Open Field, sa Bgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City.

Inaanyayahan rin ang lahat na magsuot ng puting damit at magdala ng kandila bilang simbolo ng pagkakaisa at malinis na hangarin para sa pagbabago sa bayan.

“In this spirit, I extend to you an invitation to participate in a Prayer and Indignation Rally on Sunday, September 21, from 4:30 PM to 6:30 PM, at the football field of Seminario de San Jose, located along National Road, Bgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City. Let us convey a resolute message to those engaged in corrupt practices that we have reached our limit. Magsuot po kayo ng white t-shirt at magsama-sama po tayo!” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Giit ng Obispo, napapanahon ng magkaisa ang lahat upang sama-samang ipanalangin at ipakita ang ganap na pagkundina sa patuloy na katiwaliang nagaganap sa bansa.
Samantala ilang mga gawain pa ang nakahanay sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ika-21 ng Setyembre, 2025 na layuning maipakita ang pagkundina ng taumbayan sa patuloy na sistema ng katiwalian na nagaganap sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,462 total reads

 28,462 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,413 total reads

 65,413 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,624 total reads

 83,624 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,952 total reads

 167,952 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,028 total reads

 204,028 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,900 total reads

 37,900 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top