Mamamayan, hinimok ng Obispo na magsuot ng puti bilang paninindigan laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,113 total views

Nanawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mamamayan na magsuot ng puti bilang simbolo ng pagkakaisa at paninindigan para sa malinis at tapat na pamahalaan kasabay ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa September 21, 2025.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang pagsusuot ng puti sa mga Banal na Misa sa darating na Sabado at Linggo ay tanda ng pagkakaisa laban sa katiwalian at pagsasamantala sa yaman ng bayan.

“Let us be bold in expressing our common disgust against plunderers of our Nation,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Bukod dito, hinikayat din ng obispo ang mamamayan na makiisa sa mga isasagawang pagtitipon at kilos-protesta tulad ng “Trillion Peso March” sa EDSA People Power Monument sa Quezon City at “Baha sa Luneta” sa Luneta Park, Manila City upang ipanawagan ang pananagutan sa pamahalaan.

Binigyang-diin ni Bishop Mangalinao na kailangan ang sama-samang pagkilos ng mamamayan upang igiit ang pananagutan, malinaw at tapat na pamamahala, at makatarungang pagkilos mula sa mga halal na opisyal.

“With faith, hope, and charity, let us demand for a country where governance is transparent; leaders are accountable; and justice is served,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Una nang inihayag ng Church Leaders Council for National Transformation—na mangunguna sa Trillion Peso March sa EDSA—na ang layunin ng nasabing pagkilos ay ipanawagan ang pananagutan sa talamak na katiwalian sa pamahalaan, partikular na ang bilyon-bilyong pisong nasayang dahil sa maanomalya at kontrobersiyal na flood-control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kinasasangkutan ng ilang opisyal at contractors.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 177,643 total views

 177,643 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 207,866 total views

 207,866 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 234,512 total views

 234,512 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 329,485 total views

 329,485 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 339,011 total views

 339,011 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top