Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,138 total reads

POSIBLE kaya Kapanalig ang panibagong EDSA people power?

Galit na galit na ang mga Pilipino sa tinaguriang “endemic” corruption sa ating bansa. Sa gitna ng matinding kahirapan, kagutuman na dinaranas ng milyun-milyong Pilipino, libu-libong Pilipino ang lumalangoy sa tubig-baha sa tuwing may pag-uulan. Ipinapangalandakan naman ng mga makakapal na mukha na mga contractors, mga politico, mga kamag-anakan ang labis-labis na luho., lifestyle, magagarang ari-arian mula sa nakurakot na bilyunes sa kabangbayan. Sinuman ba naman ang hindi magagalit? Kung kasama ka sa pamilya magnanakaw, ngiting aso ka.

Kahit anong tinatawag na “kurakot shaming” ang gagawin mo, hindi na tinatablan ng kahihiyan ang mga magnanakaw na kontraktor, mga Senador, Congressman, mga opisyal ng DPWH., COA maging ang kanilang mga kamag-anakan. 545-bilyong piso lang naman na pondo para sa flood control projects ng gobyerno ang pinagpapasasaan ng mga ganid sa salapi. Sa Pilipinas lang Kapanalig, kinaiingitan ang mga magnanakaw.

Punong-puno na ang taumbayan., sawa na ang mga Pilipino sa katiwalian at kawalan ng pananagutan.

Kaya Kapanalig, sa Setyembre 21, 2025 sa paggunita ng ika-53 taong anibersaryo ng martial law., tara na sa EDSA People Power monument. Sa araw na ito, itinakda ang malawakang “anti-corruption protest” na tinaguriang “The TRILLION PESOS march” na pangungunahan ng Simbahang Katolika, civil society groups, Catholic schools, Academe, Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), National Council of Churches in the Philippines (NCCP) at mga mamamayan na nagmamalasakit sa bayan. Adhikain ng pagkilos na yanigin., pukawin ang konsensiya ng mga magnanakaw sa kaban ng bayan, magkaroon ng pananagutan sa pamahalaan, lalu na ang bilyun-bilyong pisong pondo na nasayang dahil sa “ghost at substandard” na flood control project ng gobyerno na kinasasangkutan ng mga opisyal ng DPWH, COA, mga Senador., mga congressman at kasabwat na kontraktor.

Tayong mga Pilipinas ay mayroong karapatan na magsalita, kumilos sa mga usaping nakakaapekto sa bansa. Ang rally na ito ay pagpapakita sa pagkadismaya at sukdulang damdamin ng taumbayan sa talamak na korapsyon at impunity.

Kapanalig, ang pagkakaisa ng simbahan, akademya, at civil society ay dapat magsilbing babala sa mga nasa kapangyarihan na hindi na mananahimik ang mamamayan sa paniningil ng pananagutan.

Ipinapaalala naman ng mga lider ng simbahan sa pupunta sa EDSA na taumbayan na maging aral ang masakit na karanasan sa Nepal na naging bayolente ang anti-corruption rally. Walang lugar ang marahas at bayolenteng pagkilos sa nagkakaisang panawagan sa pananagutan ng (4) na Senador, (67) Congressman., mga opisyal ng DPWH at mga top flood control contractors.

Kailangang may managot! May maparusahan!

Ika nga Kapanalig, “Let us show that the Filipino people will not be silent. Our faith demands action. Our children’s future demands courage.

Ipinaalala ng (Kawikaan 15:27) na ang katiwalian ay sumisira sa kaayusan ng bayan at nag-aalis ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,388 total reads

 49,388 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,074 total reads

 129,074 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,521 total reads

 162,521 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,819 total reads

 197,819 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,414 total reads

 422,414 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 49,390 total reads

 49,390 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,076 total reads

 129,076 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,523 total reads

 162,523 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,821 total reads

 197,821 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top