Isabela Rep.Faustino Dy III, hinirang na ika-29 House Speaker

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,013 total reads

Pormal nang itinalaga bilang Speaker of the House si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang kapalit ng nagbitiw na si Leyte Rep. Martin Romualdez ngayong araw, Setyembre 17 bilang pinuno ng Kamara de Representantes.

Sa botong 253 , 28 abstention at apat ang hindi nakaboto hinirang si Dy bilang ika-29 na pinuno ng House of Representatives ng 20th Congress.

Ang pagbibitiw ni Romualdez ay nag-ugat sa nabulgar na katiwalian, partikular ang maanomalyang flood control projects na kasalukuyang iniimbestgahan ng Kamara at Senado.

Sa kabila ng walang direktang kaugnayan laban sa dating pinuno ng Kamara, kabilang si Romualdez at Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa binanggit ng mag-asawang kontratistang sina Pacifico at Sarah Discaya ng St. Gerrard Construction sa isinagawang imbestigasyon sa Senado.

Si Co, ay nagmamay-ari ng Sunwest Construction and Development Corporation, isa sa 12 construction company na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng pinakamaraming proyekto sa Department of Public Works and Highways, gayundin ang ilang kompanya ng mga Discaya na ang ilan ay mga ghost at substandard flood control projects.

Sa pagdinig naman sa House InfraCom, pinangalanan naman ng ilang opisyal ng DPWH sina Sen. Jinggoy Estada at Sen Joel Villanueva na tumatanggap ng kickback, partikular sa mga flood control projects sa Bulacan.

Habang inamin din ng isang contractor ang pagbibigay ng campaign funds na nagkakahalaga ng P30 M kay Sen. Francis Escudero na hindi naman itinanggi ng mambabatas..

Bago ang pagbibitiw ni Romualdez, una na ring kinumpirma ni House Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno, ang pagbaba sa puwesto ni Romualdez na inirekomenda ang pagsuporta sa mga kapwa mambabatas kay Dy bilang kaniyang kahalili.

Sa September 21, kasabay ng paggunita ng ika-53 anibersaryo ng Marial Law gaganapin ang malawang kilos protesta laban kontra katiwalian na gaganapin sa Edsa People Power Monument at Luneta sa Maynila.

Ang ‘A Trillion Peso March’ na gaganapin sa EDSA ay inorganisa ng Church Leaders Council for National Transformation (CLNT) na pinamumunuan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng Caritas Philippines kasama ang iba’t ibang mga grupo mula sa simbahan at civil society.

Ang koalisyon ay binubuo ng faith comunities kasama na ang Roman Catholic Church, National Council of Churches in the Philippines, Philippine Council of Evangelical Churches, Muslim communities, at Indigenous Peoples.

Ang pagkilos ay isang mapayapa at panalanging pagtitipon upang ipahayag ang galit ng sambayanang Pilipino laban sa malawakang katiwalian kaugnay ng trilyong pisong pondo para sa flood control sa nakaraang sampung taon—na iniuugnay sa mahigit 2,000 pagkamatay at libo-libong nawalan ng tirahan.

Hinihikayat ang mga nais na dumalo na magsuot ng puti at magdala ng payong bilang pananggalang sa ulan at init ngg araw.

Bukod sa pagtitipon sa Metro Manila, ilang mga lalawigan din ang magsasagawa ng kaparehong pagkilos bilang pagkondena sa katiwalian.

Bukod sa inilabas na pastoral statement ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na may titulong “True Justice Demands More Than Punishment,” naglabas din ng pagkondena ang ilang obispo kabilang na si Cebu Archbishop-designate Alberto Uy, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villeggas, San Jose Bishop Gerardo Almina, at Antipolo Bishop Ruperto Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 52,483 total reads

 52,483 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,009 total reads

 132,009 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,456 total reads

 165,456 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,754 total reads

 200,754 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,189 total reads

 425,189 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,408 total reads

 16,408 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top